Mga Opsyon sa Paghahanap
| May pitong mabibisang kasangkapan sa paghahanap o mga opsyon sa Internet edition ng mga banal na kasulatan. |
Paghahanap sa Salita |
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga salita sa mga banal na kasulatan na tugma sa mga salitang ipinasok sa kahon ng hanapin. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga salita. Subukang ipasok ang pananampalataya pag-asa pag-ibig sa kapwa o binyag at pagkatapos ay i-klik ang Paghahanap sa Salita. |
Paghahanap sa Paksa |
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga paksa sa mga banal na kasulatan na tugma sa mga salitang ipinasok sa kahon ng hanapin. Ang kaugnay na mga reperensya ay hango sa mga tulong sa pag-aaral. Sinusuri ng Paghahanap sa Paksa ang kaugnayan ng mga paksa sa isa’t isa sa mga tulong sa pag-aaral at sinusubukang ibigay ang pinakamalapit na mga reperensya sa banal na kasulatan. Hindi tulad ng paghahanap ng salita, ang Paghahanap sa Paksa ay hinahanap ang mga reperensyang sumasakop sa mga talata at reperensya bukod pa sa (mga) salitang talagang hinahanap. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga salita. Subukang ipasok ang Liahona o araw ng sabbath o gawaing misyonero at pagkatapos ay i-klik ang Paghahanap sa Paksa. |
Paghahanap sa mga Tulong sa Pag-aaral |
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga pamagat, panimula, o entry sa mga tulong sa pag-aaral (tulad ng alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo, larawan at mapa) na tugma sa mga salitang ipinasok sa kahon ng hanapin. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga salita. Subukang ipasok ang Nazaret o paghahayag o batas ni Moises at pagkatapos ay i-klik ang Paghahanap sa mga Tulong sa Pag-aaral. |
Paghahanap sa Reperensya |
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga reperensya sa mga banal na kasulatan na ipinasok sa kahon ng hanapin. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga reperensya. Ang mga reperensya ay maaari ding kopyahin at ilipat mula sa ibang mga application. Ang mga standard reference format ay kailangan. Halimbawa, subukang ipasok ang Mosias 3:19-21 o D at T 88:73,77-80,84-85 o 1 Ne. 11:13-21; Mosias 3:8-13; Alma 7:10 at pagkatapos ay i-klik ang tab na Paghahanap sa Reperensya. |
Paghahanap sa Talababa |
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga talababa na kaugnay ng isang talata o mga talata sa banal na kasulatan. Para mapasimulan ang paghahanap sa talababa, mag-klik sa alinmang salitang may talababa sa teksto ng banal na kasulatan o magpasok ng mga reperensya sa kahon ng hanapin. Subukang ipasok ang 2 Ne. 31:19-21 o Moro. 10:4-5 at pagkatapos ay (1) i-klik ang Hanapin at (2) i-klik ang Ipakita ang mga Talababa na nasa ibaba ng pahina na mga resulta ng paghahanap. |
Paghahanap sa Cross-Reference |
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang lahat ng cross-reference sa mga talababa at mga tulong sa pag-aaral na “tumutukoy” sa isang talata o mga talata sa banal na kasulatan. Sa kabilang dako, dahil sa kakulangan ng espasyo, ang mga reperensya sa mga talababa ng nakalimbag na mga edisyon ng mga banal na kasulatan ay “tumutukoy lamang” sa ilang piling reperensya at mga entry sa Topical Guide. Para mapasimulan ang paghahanap sa cross-reference, mag-klik sa alinmang salitang may talababa sa teksto ng banal na kasulatan at i-klik ang Ipakita ang mga Cross-Reference, o ipasok ang mga reperensya sa kahon ng hanapin. Subukang ipasok ang 1 Ne. 1:1 o Mosias 3:19 at pagkatapos ay (1) i-klik ang Hanapin at (2) i-klik ang Ipakita ang mga Cross-Reference na nasa ibaba ng pahina ng mga resulta ng paghahanap. |
Paghahanap sa Minarkahang mga Reperensya
|
| Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga reperensyang minarkahan ninyo para itinabi at kalaunan ay idispley sa pahina ng Minarkahang mga Reperensya. Para markahan ang isang reperensya, mag-klik sa teksto ng isang talata ng banal na kasulatan habang nakapindot sa Alt key (sa ilang computer, tinatawag itong Alternate o Option key). Ang minarkahang talata ay ididispley nang kulay-pula. Para maalis ang marka sa reperensya, muling i-klik ang tekstong iyon habang nakapindot sa Alt key. Maaari ninyong alisan ng marka ang lahat ng minarkahan ninyong reperensya sa pag-klik sa Alisan ng Marka ang mga Reperensya na nasa pahina ng mga resulta ng paghahanap sa Minarkahang mga Reperensya. Subukang markahan ang ilang talata sa banal na kasulatan at pagkatapos ay i-klik ang Minarkahan sa kanang itaas ng pahina. |
Para sa karagdagang tulong, tingnan sa indibiduwal na mga pahina ng tulong sa ilalim ng bawat opsyon sa paghahanap.
|
|