JOSEPH SMITH—KASAYSAYAN
MGA HANGO MULA SA KASAYSAYAN NI JOSEPH SMITH, ANG PROPETA
46
Sa mga sandaling iyon, sapagkat malalim ang pagkakakintal noon sa aking isipan, kung kaya’t ang antok ay napalis sa aking mga mata, at ako’y tuluyang nagupo sa pagkakamangha sa aking mga nakita at narinig. Subalit ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang muli kong makita ang sugo ring yaon sa tabi ng aking higaan, at marinig na muli niyang inuusal at sinasabi sa akin ang mga binanggit niya noong una; at nagdagdag ng babala sa akin, at sinabi sa akin na susubukin akong atuksuhin ni bSatanas (sa kadahilanang ang mag-anak ng aking ama ay maralita), na kunin ang mga lamina upang magpayaman. Dito ay pinagbawalan niya ako, at sinabi na wala akong dapat na maging layunin sa pagkuha ng mga lamina maliban sa ikaluluwalhati ng Diyos, at maudyukan ng ano pa mang sa pagtatayo ng kanyang kaharian; kung hindi ay di ko makukuha ang mga yaon.
Mga Talababa
|