|
Pambungad
Ang Internet version ng mga banal na kasulatan ay nilikha upang (1) gamitin ang teknolohiya ngayon sa mabilis na paghahanap ng mga sanggunian at impormasyon sa banal na kasulatan at (2) magkaroon ng access o magamit ang opisyal na bersyon ng mga banal na kasulatan ng mga LDS. Naglalaman ito ng buong teksto ng tatlong pamantayang aklat ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na walang iba kundi ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas. Naglalaman din ito ng mga tulong sa pag-aaral sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan na isinama sa nakalimbag na bersyon ng mga banal na kasulatang ito: isang alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo, mga piling bahagi mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Bibliang Ingles (PJS), cronolohiya ng kasaysayan ng Simbahan, mga mapa at larawan ukol sa kasaysayan ng Simbahan, at mga mapa at larawan sa Biblia. Ang alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo ay nagpapaliwanag sa mga piling doktrina, alituntunin, tao, at lugar na matatagpuan sa mga pamantayang aklat. Naglalaan din ito ng mga reperensya sa banal na kasulatan para sa sarilinan at pampamilyang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Paggamit ng Navigation Bar
Ang navigation bar at ang kakayahan nito sa paghahanap ay nagpapadali sa pag-access ng mga banal na kasulatan at ang kasama nitong mga tulong sa pag-aaral. Ang navigation bar ay makikita sa itaas ng bawat pahina. Nagbibigay ito ng impormasyon kung nasaan na kayo sa mga banal na kasulatan at binibigyan kayo ng mga kasangkapan sa paghahanap, pagdispley ng mga pahina, at mabilis na paglipat sa iba pang bahagi ng mga banal na kasulatan. Nasa ibaba ang impormasyon tungkol sa mga kasangkapang ito.
Logo ng mga Banal na Kasulatan
Makakabalik kayo sa main menu ng mga banal na kasulatan sa Internet sa pag-klik sa logo.
Mga Tulong sa Pag-aaral
Sa pag-klik sa Mga Tulong sa Pag-aaral sa kanang panig ng navigation bar, maaari ninyong ma-access ang iba’t ibang bahaging pantulong sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Kabilang sa mga tulong sa pag-aaral ang alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo, mga piling bahagi mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Bibliang Ingles (PJS), cronolohiya ng kasaysayan ng Simbahan, mga mapa at larawan ukol sa kasaysayan ng Simbahan, at mga mapa at larawan sa Biblia. Ang mga tulong sa pag-aaral ay dinisenyo upang tulungan kayong mahanap ang mahahalagang sanggunian sa inyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang impormasyon tungkol sa paggamit nitong mga sangguniang ito ay nasa loob ng bawat bahaging pantulong.
Hanapin
May pitong mabibisang kasangkapan sa paghahanap o mga opsyon sa Internet edition ng mga banal na kasulatan. Makakapaghanap kayo sa pag-klik sa Hanapin. Para sa karagdagang tulong, tingnan sa indibiduwal na mga pahina ng Tulong sa ilalim ng bawat opsyon sa paghahanap.
Paghahanap sa Salita
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga salita sa mga banal na kasulatan na tugma sa mga salitang ipinasok sa kahon ng hanapin. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga salita sa kahon ng hanapin.
Paghahanap sa Paksa
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga paksa sa mga banal na kasulatan na tugma sa mga salitang ipinasok sa kahon ng hanapin. Ang kaugnay na mga reperensya ay hango sa mga tulong sa pag-aaral. Ang Paghahanap sa Paksa ay sinusuri ang kaugnayan ng mga paksa sa isa’t isa sa mga tulong sa pag-aaral at sinusubukang ibigay ang pinakamalapit na mga reperensya sa banal na kasulatan. Hindi tulad ng paghahanap ng salita, ang Paghahanap sa Paksa ay hinahanap ang mga reperensyang sumasakop sa mga talata at reperensya bukod pa sa (mga) salitang talagang hinahanap. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga salita kapag gamit ang Paghahanap sa Paksa.
Paghahanap sa mga Tulong sa Pag-aaral
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga pamagat, panimula, o entry sa mga tulong sa pag-aaral (tulad ng alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo, larawan at mapa) na tugma sa mga salitang ipinasok sa kahon ng hanapin. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga salita sa kahon ng hanapin.
Paghahanap sa Reperensya
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga reperensya sa mga banal na kasulatan na ipinasok sa kahon ng hanapin. Maaari kayong magpasok ng isa o mahigit pang mga reperensya sa kahon ng hanapin. Ang mga reperensya ay maaaring kopyahin at ilipat mula sa ibang mga application. Ang mga standard reference format ay kailangan (halimbawa, 1 Ne. 3:7).
Paghahanap sa Talababa
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga talababa na kaugnay ng isang talata o mga talata sa banal na kasulatan. Para mapasimulan ang paghahanap sa talababa, mag-klik sa alinmang salitang may talababa sa teksto ng banal na kasulatan, o magpasok ng mga reperensya sa kahon ng hanapin at i-klik ang Ipakita ang mga Talababa na nasa ibaba ng pahina ng mga resulta.
Paghahanap sa Cross-Reference
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang lahat ng cross-reference sa mga talababa at tulong sa pag-aaral na “tumutukoy” sa isang talata o mga talata sa banal na kasulatan. Sa kabilang dako, dahil sa kakulangan ng espasyo, ang mga reperensya sa mga talababa ng nakalimbag na mga edisyon ng mga banal na kasulatan ay “tumutukoy lamang” sa ilang piling reperensya at paksa sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Para mapasimulan ang cross-reference search, mag-klik sa alinmang salitang may talababa sa teksto ng banal na kasulatan, o magpasok ng mga reperensya sa kahon ng hanapin at i-klik ang Ipakita ang mga Cross-Reference na nasa ibaba ng pahina ng mga resulta.
Paghahanap sa Minarkahang mga Reperensya
Ang opsyon na ito ay hinahanap ang mga reperensyang minarkahan ninyo para itabi at kalaunan ay idispley sa pahina ng Minarkahang mga Reperensya. Para markahan ang isang reperensya, mag-klik sa teksto ng isang talata sa banal na kasulatan, habang nakapindot sa Alt key (sa ilang computer, tinatawag itong Alternate o Option key). Ang minarkahang talatang ito ay ididispley nang kulay-pula. Maaari ninyong markahan ang hanggang 50 reperensya. Para maalis ang marka sa reperensya, muling i-klik ang tekstong iyon habang nakapindot sa Alt key. Maaari ninyong alisan ng marka ang lahat ng minarkahan ninyong reperensya sa pagpili sa Alisan ng Marka ang mga Reperensya na nasa pahina ng mga resulta ng paghahanap sa Minarkahang mga Reperensya.
Mga Opsyon
Mapipili ninyo ang mapaghahali-haliling mga paraan ng pagdispley o pag-access ng impormasyon sa pag-klik sa Mga Opsyon. Halimbawa, maaari ninyong (1) lagyan ng pananda sa kanan ang salitang may talababa upang ipahiwatig na ang talababa ay naglalaman ng impormasyong tugma sa piniling mga kategorya, (2) itago ang lahat ng magkakaugnay na talababa na nasa teksto ng banal na kasulatan, at (3) piliin ang default search option (Mga Salita, Mga Paksa, o Mga Tulong sa Pag-aaral) na pagaganahin bilang panimulang search mode kapag nagpasok ng mga salita sa kahon ng hanapin.
Minarkahan
Mag-klik sa Minarkahan sa kanang itaas ng navigation bar upang hanapin ang mga reperensyang minarkahan ninyo para itabi at kalaunan ay idispley sa pahina ng mga resulta ng paghahanap sa Minarkahang mga Reperensya. Ang Minarkahang mga Reperensya ay lilitaw lamang kung may minarkahan kayong kahit isang reperensya. Para markahan ang isang reperensya, mag-klik sa teksto ng isang talata ng banal na kasulatan habang nakapindot sa Alt key (sa ilang computer, tinatawag itong Alternate o Option key). Ang minarkahang tekstong ito ay ididispley nang kulay-pula. Maaari ninyong markahan ang hanggang 50 reperensya. Para maalis ang marka sa reperensya, muling i-klik ang tekstong iyon habang nakapindot sa Alt key. Maaari ninyong alisan ng marka ang lahat ng minarkahan ninyong reperensya sa pagpili sa Alisan ng Marka ang mga Reperensya na nasa pahina ng mga resulta ng paghahanap sa Minarkahang mga Reperensya.
Tulong
Dadalhin kayo ng button na Tulong (na nasa kanan ng navigational bar) sa pahinang ito.
Wika
Ang Internet version ng mga banal na kasulatan ay makukuha sa maraming wika. I-klik ang button na Wika sa navigation bar para makapili ng bersyon ng iba’t ibang wika. Tanging ang English version lamang ang may Biblia at kumpletong mga tulong sa pag-aaral.
Hanapin ang
Ang entry box na Hanapin ang ay tutulutan kayong mahanap nang mabilis ang mga salita, paksa, o reperensya sa mga banal na kasulatan sa mga pamantayang aklat at mga tulong sa pag-aaral nang hindi ina-access ang pahinang Mga Opsyon sa Paghahanap. Maaari kayong mag-type ng isa o mahigit pang mga salita o reperensya sa mga banal na kasulatan (gamit ang mga standard reference citation). Ang pag-klik sa button na Hanapin sa kanan ng entry box ay nagpapasimula sa proseso ng paghahanap. Marami pang impormasyon tungkol sa paghahanap ang makukuha sa pahinang Mga Opsyon sa Paghahanap.
Navigation Path
Nasa kaliwa ng navigation bar, ipinapakita ng Navigation Path kung saan kayo naroon sa Web site ng mga banal na kasulatan. Halimbawa: Ang “Mga Banal na Kasulatan > Aklat ni Mormon > Jacob > Kabanata 2” ay nagpapahiwatig na kayo ay nasa ikalawang kabanata ng Jacob sa Aklat ni Mormon. Maaari rin kayong mag-klik sa alinmang nakalistang posisyon sa Navigation Path para ma-access ang pahinang iyon. Ang unang entry ng bawat path ay naka-link sa home page ng lds.org.
Print
Maaari ninyong i-print ang teksto at mga grapiko ng alinmang pahina sa pag-klik sa Print na nasa kaliwang itaas ng mga pahina ng nilalaman. Inaalis ng kakayahang ito ang mga grapiko at tekstong hindi kailangan at pagkatapos ay nire-reformat ang pahina para mai-print. (Paunawa: Kung nais din ninyong i-print ang navigation bar, kailangan ninyong gamitin sa pag-print ang inyong browser.) Maaari din kayong lumikha ng custom page title na lilitaw sa itaas ng naka-print na pahina. Ang Print page ay may mga opsyon sa pagtatago ng mga simbolo ng talababa at naka-highlight na mga salitang hinahanap bago mag-print.
Sinundan
Dadalhin kayo ng button na Sinundan (na nasa kanang itaas ng mga pahina ng nilalaman) sa sinundang pahina lebel ding iyon. Halimbawa, kung nakatingin kayo sa kabanata 32 ng Alma, at gusto ninyong puntahan ang Alma 31, i-klik ang button na Sinundan. O kung nakatingin kayo sa mga talababa ng isang talata, at gusto ninyong puntahan ang mga talababa ng sinundang talata, i-klik ang button na Sinundan.
Susunod
Ang button na Susunod (na nasa kanan ng button na Sinundan) ay kapareho ng gamit ng button na Sinundan, maliban sa dadalhin kayo nito sa kasunod na pahina sa halip na sa sinundan.
Mga Talababa
Ang pag-klik sa salitang may talababa sa teksto ng banal na kasulatan ay nagpapakita ng isang pahinang kinaroroonan ng buong nilalaman ng talababa. Ang mahalagang impormasyon sa talababa ay maaaring idispley sa saglit na pagtigil (ngunit hindi pag-klik) sa cursor sa tapat ng mga salitang may talababa. Ang mga pahina ng nilalaman ng talababa ay maaari ding piliin nang sunud-sunod sa pag-klik sa mga button na< (sinundan) at > (susunod) sa navigation bar. Sa paggamit ng mga opsyon na nasa inyong browser, ang mga salitang may talababa ay maaaring ipahiwatig sa pagpili ng kulay, pagguhit, o parehong gawin ito. Ang mga talababa ay maaari ding ipahiwatig ng standard a, b, c,… na mga superscript. Maaaring idagdag ang mga marka ng talababa ( • ) upang isaad ang mga talababa na naglalaman ng impormasyon at ilang uri ng mga paunawa. Tingnan din sa “Mga Opsyon” sa ilalim ng “Paggamit ng Navigation Bar.”
Pagtingin sa Maraming Window
Dahil gamit ninyo ang Internet browser sa pagtingin sa mga banal na kasulatan, maaari ninyong samantalahin ang maraming kakayahan ng inyong browser. Isa sa mga ito ang kakayahang magbukas ng mahigit sa isang browser window nang sabay-sabay. Ang ilang browser ay tutulutan kayong lumikha ng mga tab para matingnan ang maraming pahina sa iisang window. Malaki ang pakinabang ng mga kakayahang ito sa magkakatabing paghahambing gaya ng sabay-sabay na pagtingin sa mga talababa at talata, sabay-sabay na pagtingin sa mga talata at tulong sa pag-aaral, at napakarami pang ibang posibilidad, tulad ng pag-drag ng mga link mula sa isang window papunta sa ibang window. Tingnan ang mga dokumentong kasama ng inyong browser para matutuhan kung paano likhain at gamitin ang maramihan at naka-tab na mga window.
Pag-aayos ng Inyong Web Browser
Ang Internet version ng mga banal na kasulatan ay dinisenyo upang maganda itong tingnan kapag hindi ginuhitan ang mga salitang naka-link. Maaari kayong magpunta sa opsyon na “preferences” ng inyong browser para hindi paganahin ang pagsalungguhit.
|