Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI HELAMAN
KABANATA 8
  20 At masdan, gayon din si aZenok, at gayon din si Ezias, at gayon din si bIsaias, at cJeremias, (si Jeremias na siya ring propetang nagpatotoo tungkol sa pagkawasak ng dJerusalem) at ngayon nalalaman natin na ang Jerusalem ay nawasak na alinsunod sa mga salita ni Jeremias. O kung gayon ay bakit hindi paparito ang Anak ng Diyos, alinsunod sa kanyang propesiya?

Mga Talababa
20a
1 Ne. 19:10.
  10 At ang aDiyos ng ating mga ama, na binakay palabas ng Egipto, mula sa pagkaalipin, at pinangalagaan din niya sa ilang, oo, ang cDiyos ni Abraham, at ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob ay disinuko ang kanyang sarili, ayon sa mga salita ng anghel, bilang isang tao, sa mga kamay ng masasamang tao, na eitataas, ayon sa mga salita ni fZenok, at gipapako sa krus, ayon sa mga salita ni Neum, at ililibing sa isang hpuntod, ayon sa mga salita ni iZenos, na kanyang sinabi hinggil sa tatlong araw ng jkadiliman, na ibibigay bilang palatandaan ng kanyang kamatayan sa mga yaong naninirahan sa mga pulo sa dagat, ibinigay lalung-lalo na sa mga yaong kabilang sa ksambahayan ni Israel.
3 Ne. 10:15–16.
  15 Masdan, sinasabi ko sa inyo, Oo, marami ang nagpatotoo sa mga bagay na ito na tungkol sa pagparito ni Cristo, at apinatay dahil sa sila ay nagpatotoo sa mga bagay na ito.
b
Is. 53.
c
1 Ne. 5:13.
  13 At ng mga propesiya rin ng mga banal na propeta, mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni aZedekias; at marami rin sa mga propesiyang binigkas ng bibig ni bJeremias.
1 Ne. 7:14.
  14 Sapagkat masdan, ang Espiritu ng Panginoon ay hihinto kapagdaka sa pananatili sa kanila; sapagkat masdan, aitinakwil nila ang mga propeta, at si bJeremias ay kanilang itinapon sa bilangguan. At kanilang hinangad na kitlin ang cbuhay ng aking ama, kung kaya nga’t kanilang naitaboy siya palabas ng lupain.
d
Jer. 26:18.
1 Ne. 1:4.
  4 Sapagkat ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng aunang taon ng paghahari ni bZedekias, hari ng Juda, (ang aking ama, si Lehi, na nanirahan sa cJerusalem sa lahat ng kanyang mga araw); at sa taon ding iyon ay nagkaroon ng maraming dpropeta, nagpopropesiya sa mga tao na kinakailangan silang magsipagsisi, o ang dakilang lunsod ng eJerusalem ay tiyak na mawawasak.