Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagsamba
Tingnan din sa Diyos, Panguluhang Diyos
Pag-ibig, paggalang, paglilingkod, at pamimintuho sa Diyos (D at T 20:19). Kasama sa pagsamba ang panalangin, pag-aayuno, paglilingkod sa simbahan, pakikibahagi sa mga ordenansa ng ebanghelyo, at iba pang gawain na nagpapakita ng pamimintuho at pag-ibig sa Diyos.
Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harapan ko, Ex. 20:3 (Ex. 32:1–8, 19–35; Awit 81:9). Sambahin ang Ama sa espiritu at sa katotohanan, Juan 4:23. Sambahin siya na gumawa ng langit at lupa, Apoc. 14:7 (D at T 133:38–39). Sambahin siya nang buo ninyong kapangyarihan, pag-iisip, at lakas, 2 Ne. 25:29. Sila ay naniwala kay Cristo at sinamba ang Ama sa kanyang pangalan, Jac. 4:5. Itinuro ni Zenos na ang tao ay nararapat na manalangin at sumamba sa lahat ng dako, Alma 33:3–11. Sambahin ang Diyos saan mang lugar kayo naroroon, sa espiritu at sa katotohanan, Alma 34:38. Ang mga tao ay nagsiluhod sa paanan ni Jesus, at sinamba siya, 3 Ne. 11:17. Lahat ng tao ay kinakailangang magsisi, maniwala kay Jesucristo, at sambahin ang Ama sa kanyang pangalan, D at T 20:29. Ibinibigay ko sa inyo ang mga salitang ito upang maunawaan ninyo at malaman kung paano sumamba, at malaman kung ano ang inyong sasambahin, D at T 93:19. Itong nag-iisang Diyos lamang ang aking sasambahin, Moi. 1:12–20. Inaangkin namin ang natatanging karapatang sambahin ang Pinakamakapangyarihang Diyos, S ng P 1:11.