Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagpapanumbalik Ng Ebanghelyo
Pagtatatag muli ng Diyos ng mga katotohanan at ordenansa ng kanyang ebanghelyo sa gitna ng mga tao sa mundo. Nawala ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo sa pamamagitan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan na naganap kasunod ng pagmiministeryo ng mga Apostol ni Cristo sa lupa. Dahil sa lubusang pagtalikod na yaon sa katotohanan kinailangang mapanumbalik ang ebanghelyo. Sa pamamagitan ng mga pangitain, paglilingkod ng mga anghel, at paghahayag sa tao sa ibabaw ng lupa, pinanumbalik ng Diyos ang ebanghelyo. Ang pagpapanumbalik ay nagsimula sa Propetang si Joseph Smith (JS—K 1:1–75; D at T 128:20–21) at patuloy sa ngayon sa pamamagitan ng mga gawa ng mga buhay na propeta ng Panginoon.
Ang bahay ng Panginoon ay matatayo sa taluktok ng mga bundok, Is. 2:2 (Mi. 4:2; 2 Ne. 12:2). Ang Diyos ay gagawa ng isang kagila-gilalas at kamangha-manghang gawain, Is. 29:14 (2 Ne. 25:17–18; D at T 4:1). Maglalagay ang Diyos ng isang kaharian, na hindi magigiba, kailanman, Dan. 2:44. Si Elias ay paparito, at isasauli ang lahat ng bagay, Mat. 17:11 (Mar. 9:12; D at T 77:14). Darating ang panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng bagay, Gawa 3:21 (D at T 27:6). Sa dispensasyon ng kaganapan ng panahon, titipunin ng Diyos sa isa ang lahat ng bagay, Ef. 1:10. Nakita ko ang isa pang anghel, na may mabuting balita na walang hanggan upang ipangaral, Apoc. 14:6. Ang kabuuan ng ebanghelyo darating sa mga Gentil, 1 Ne. 15:13–18. Maibabalik ang mga Judio sa tunay na simbahan, 2 Ne. 9:2. Sa huling araw ay ipahahayag ang katotohanan, 3 Ne. 16:7. Aking iginagawad ang Pagkasaserdote ni Aaron, D at T 13:1 (JS—K 1:69). Ipinagkatiwala ko ang mga susi ng kaharian para sa huling panahon, D at T 27:6, 13–14 (D at T 128:19–21). Magkakasamang tipunin ang mga lipi ni Israel at ibabalik ang lahat ng bagay, D at T 77:9. Iginawad ang mga susi ng dispensasyong ito, D at T 110:16 (D at T 65:2). Ibinigay ang pagkasaserdote sa kaganapan ng panahon, D at T 112:30. Nakakita ako ng dalawang Katauhan, JS—K 1:17. Ihahayag ko sa iyo ang Pagkasaserdote, sa pamamagitan ng kamay ni Elijah, JS—K 1:38 (Mal. 4:5–6).