Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagpapala, Pagpapalain, Pinagpala
Paggawad ng banal na pagtataguyod sa isang tao. Anumang bagay na nakapagdudulot ng tunay na kaligayahan, ikabubuti, o pag-unlad ay isang pagpapala.
Nababatay ang lahat ng pagpapala sa mga walang hanggang batas (D at T 130:20–21). Sapagkat nais ng Diyos na makatagpo ng kagalakan sa buhay ang kanyang mga anak (2 Ne. 2:25), siya ay nagkakaloob ng mga pagpapala sa kanila na bunga ng pagsunod nila sa kanyang mga kautusan (D at T 82:10), bilang tugon sa panalangin o ordenansa ng pagkasaserdote (D at T 19:38; 107:65–67), o sa pamamagitan ng kanyang biyaya (2 Ne. 25:23).
Isang kilalang talaan ng mga pagpapahayag tungkol sa pagpapala ang mga Lubos na Pagpapala (Mat. 5:1–12; 3 Ne. 12:1–12).
Pangkalahatan: Gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay pagpapalain ko, Gen. 12:2–3 (1 Ne. 15:18; Abr. 2:9–11). Mga pagpapala ay nasa ulo ng matwid, Kaw. 10:6. Ang matapat na tao ay mananagana sa mga pagpapala, Kaw. 28:20. Bubuksan ng Panginoon ang mga durungawan sa langit at ibubuhos sa iyo ang isang pagpapala, Mal. 3:10 (3 Ne. 24:10). Nangangako ng mga pagpapala ang Lubos na Pagpapala, Mat. 5:1–12 (3 Ne. 12:1–12). Pinagpala sila na mga inanyayahan sa hapunan ng kasal ng Kordero, Apoc. 19:9. Siya na mabuti ay pinagpapala ng Diyos, 1 Ne. 17:35 (Mos. 10:13). Kung makikinig kayo, igagawad ko sa inyo ang isang pagbabasbas, 2 Ne. 1:28. Iniiwan ko sa inyo ang katulad na pagbabasbas, 2 Ne. 4:9. Kaagad niya kayong pinagpapala, Mos. 2:24. Pinagpapala ng Panginoon at pinasasagana ang mga yaong nagbibigay ng kanilang tiwala sa kanya, Hel. 12:1. Tumulong na itatag ang aking gawain, at ikaw ay pagpapalain, D at T 6:9. Manalangin tuwina, at dakila ang inyong magiging pagpapala, D at T 19:38. Magpabinyag, at iyong tatanggapin ang aking Espiritu at isang dakilang pagpapala na kailanma’y hindi mo pa nalaman, D at T 39:10. Pagkatapos ng maraming kapighatian darating ang mga pagpapala, D at T 58:4. Ang mga tao ay hindi sumusunod; ako ay nagpapawalang-bisa at sila ay hindi nakatatanggap ng pagpapala, D at T 58:32. Hindi ninyo nauunawaan kung gaano kadakila ang mga pagpapalang inihanda ng Ama para sa inyo, D at T 78:17. Nagmumula sa mataas na pagkasaserdote ang pangangasiwa sa mga ordenansa at pagbabasbas sa simbahan, D at T 107:65–67. May isang batas kung saan ang lahat ng pagpapala ay ipinahahayag na totoo, D at T 130:20. Lahat ng magkakaroon ng pagpapala sa aking mga kamay ay susunod sa batas, D at T 132:5. Inilalaan ang mga pagpapala sa kanila na mga nagmamahal sa Panginoon, D at T 138:52. Hinangad ni Abraham ang mga pagbabasbas ng mga ama at ang karapatang mangasiwa sa gayon din, Abr. 1:2.
Pagbabasbas sa mga bata: Kinalong niya sila sa kanyang mga bisig at binasbasan sila, Mar. 10:16. Kinuha niya ang kanilang maliliit na anak, isa-isa, at binasbasan sila, 3 Ne. 17:21. Ang mga elder ang magbabasbas sa mga bata sa pangalan ni Jesucristo, D at T 20:70.