Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagkasaserdoteng Aaron
Ang nakabababang pagkasaserdote (Heb. 7:11–12; D at T 107:13–14). Ang mga katungkulan dito ay obispo, saserdote, guro, at diyakono (D at T 84:30; 107:10, 14–15, 87–88). Noong unang panahon, sa ilalim ng mga batas ni Moises ay may matataas na saserdote, mga saserdote, at Levita. Ipinahayag ang Pagkasaserdoteng Aaron kay Moises sa dahilang naghimagsik ang mga sinaunang Israelita sa Diyos. Sila ay tumangging gawing banal at tanggapin ang Pagkasaserdoteng Melquisedec at ang mga ordenansa nito (D at T 84:23–25). Ang Pagkasaserdoteng Aaron ay may kinalaman sa mga temporal at panlabas na ordenansa ng batas at ng ebanghelyo (1 Cron. 23:27–32; D at T 84:26–27; 107:20). Hawak nito ang mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag (D at T 13). Nanumbalik ang Pagkasaserdoteng Aaron sa mundo sa dispensasyong ito noong ika-15 ng Mayo, 1829. Iginawad ito ni Juan Bautista kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa pampang ng Ilog Susquehanna, na malapit sa Harmony, Pennsylvania (D at T 13; JS—K 1:68–73).
At magiging kanya ang tipan ng pagkasaserdoteng walang hanggan, Blg. 25:13. Padadalisayin ng Panginoon ang mga anak ni Levi, at lilinisin sila, Mal. 3:3 (3 Ne. 24:3). Walang sinuman ang makatatanggap ng karangalang ito sa kanyang sarili, Heb. 5:4. Ang kaganapan ay hindi darating sa pamamagitan ng Pagkasaserdoteng Levitikal, Heb. 7:11. Ang pagkasaserdoteng ito ay hindi kailanman kukunin sa mundo hanggang sa mag-alay ang mga anak ni Levi ng handog, D at T 13:1. Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay inordenan sa Pagkasaserdoteng Aaron, D at T 27:8. Hawak ng nakabababang pagkasaserdote ang susi ng paglilingkod ng mga anghel, D at T 84:26 (D at T 13:1). May dalawang pagkasaserdote, alalaong baga’y ang Melquisedec at Aaron, D at T 107:1. Ang ikalawang pagkasaserdote ay tinatawag na Pagkasaserdoteng Aaron, D at T 107:13.