Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pag-Aalay
Isang handog sa Panginoon. Malimit gamitin ang salita sa Lumang Tipan upang tukuyin ang mga hain o alay na susunugin. Ang Simbahan ngayon ay gumagamit ng mga handog ng pag-aayuno at ng ilang kusang-handog na mga alay (kasama ang oras, talento, at pag-aari) upang tulungan ang mga maralita at para sa iba pang karapat-dapat na layunin.
Ninakawan ninyo ako sa mga ikapu at sa mga handog, Mal. 3:8–10. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyon hain, Mat. 5:23–24. Ialay ang inyong mga kaluluwa bilang handog kay Cristo, Omni 1:26. Kung ang tao ay mag-aalay ng handog nang walang tunay na layunin, ito ay walang kapakinabangan sa kanya, Moro. 7:6. Ang mga susi ng pagkasaserdote ay hindi na muling kukunin pa hanggang ang mga anak na lalaki ni Levi ay mag-alay muli ng handog sa Panginoon sa kabutihan, D at T 13:1. Dito, sa araw ng Panginoon, inyong iaalay ang inyong mga handog at inyong mga sakramento sa Kataas-taasan, D at T 59:12. Tayo bilang isang simbahan at mga tao ay maghain sa Panginoon ng isang handog sa kabutihan, D at T 128:24.