Ang paraan kung saan ang sangkatauhan ay naging mortal sa mundong ito. Nang kainin nina Adan at Eva ang ipinagbabawal na bungang-kahoy, sila ay naging mortal, sa gayon, ay napasailalim sa kasalanan at kamatayan. Si Adan ang “unang tao” sa mundo (
Moi. 3:7). Niliwanag ng paghahayag sa huling araw na ang Pagkahulog ay isang pagpapala at sina Adan at Eva ay dapat na purihin bilang unang magulang ng buong sangkatauhan.
Ang pagkahulog ay isang mahalagang hakbang sa pag-unlad ng tao. Dahil alam ng Diyos na magaganap ang pagkahulog, nagplano siya sa buhay bago pa ang buhay na ito ng isang Tagapagligtas. Dumating si Jesucristo sa kalagitnaan ng panahon upang magbayad-sala sa pagkahulog ni Adan at gayon din sa mga kasalanan ng bawat tao kung ang tao ay magsisisi.
Sa araw na ikaw ay kumain niyaon, ikaw ay tiyak na mamamatay, Gen. 2:17 (
Moi. 3:17). Kinuha niya ang bungang-kahoy na yaon, at kinain, Gen. 3:6 (
Moi. 4:12). Kung paanong kay Adan ang lahat ay nangamatay gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin, 1 Cor. 15:22. Ang buong sangkatauhan ay nasa ligaw at nahulog na kalagayan,
1 Ne. 10:6. Ang daan ay inihanda mula pa nang mahulog ang tao,
2 Ne. 2:4. Pagkatapos na sina Adan at Eva ay kumain ng ipinagbabawal na bungang-kahoy, sila ay itinaboy palabas ng Halamanan ng Eden,
2 Ne. 2:19. Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon,
2 Ne. 2:15–26. Ang likas na tao ay kaaway ng Diyos, at naging gayon mula sa pagkahulog ni Adan,
Mos. 3:19. Tinuruan ni Aaron ang ama ni Lamoni ng tungkol sa pagkahulog,
Alma 22:12–14. Kailangang magkaroon ng isang pagbabayad-sala o kung hindi ang buong sangkatauhan ay mahuhulog at maliligaw,
Alma 34:9. Inihiwalay ang ating mga unang magulang kapwa temporal at espirituwal mula sa kinaroroonan ng Panginoon,
Alma 42:2–15 (
Hel. 14:16). Dahil sa pagkahulog, ang ating katauhan ay naging masama,
Eter 3:2. Dahil sa paglabag sa mga batas na banal ang tao ay naging nahulog na tao,
D at T 20:20 (
D at T 29:34–44). Gaya ng iyong pagkahulog ikaw ay maaaring matubos,
Moi. 5:9–12. Dahil sa paglabag ay sumapit ang Pagkahulog,
Moi. 6:59. Ang mga tao ay parurusahan dahil sa kanilang sariling mga kasalanan,
S ng P 1:2.