Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Paghahayag
Pakikipag-ugnayan ng Diyos sa kanyang mga anak sa lupa. Ang paghahayag ay maaaring manggaling sa pamamagitan ng Liwanag ni Cristo at ng Espiritu Santo sa pamamaraan ng inspirasyon, mga pangitain, panaginip, o pagdalaw ng mga anghel. Ang paghahayag ay nagbibigay ng patnubay na makaaakay sa matatapat sa kaligtasang walang hanggan sa kahariang selestiyal.
Ipinahahayag ng Panginoon ang kanyang gawain sa kanyang mga propeta at pinagtitibay sa mga naniniwala na ang mga paghahayag sa mga propeta ay totoo (Amos 3:7). Sa pamamagitan ng paghahayag, ang Panginoon ay nagbibigay ng pamamatnubay sa bawat tao na naghahangad nito at may pananampalataya, nagsisisi, at sumusunod sa ebanghelyo ni Jesucristo. “Ang Espiritu Santo ay isang tagahayag,” wika ni Joseph Smith, at “walang sino mang maaaring tumanggap ng Espiritu Santo nang hindi nakatatanggap ng mga paghahayag.”
Sa Simbahan ng Panginoon, ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol ay mga propeta, tagakita, at tagapaghayag sa Simbahan at sa sanlibutan. Ang Pangulo ng Simbahan ang siya lamang binigyan ng karapatan ng Panginoon na makatanggap ng paghahayag para sa Simbahan (D at T 28:2–7). Maaaring makatanggap ang bawat tao ng pansariling paghahayag para sa kanyang sariling kapakanan.
Sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Panginoon nabubuhay ang tao, Deut. 8:3 (Mat. 4:4; D at T 98:11). Nangungusap ang Panginoon sa isang marahang bulong na tinig, 1 Hari 19:12. Kung saan walang pangitain, ang mga tao ay sumasama, Kaw. 29:18. Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang gagawin, kundi kanyang ihahayag ang kanyang lihim sa kanyang mga lingkod na mga propeta, Amos 3:7. Pinagpala ka, Simon Bar-Jonas: sapagkat hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama, Mat. 16:15–19. Papatnubayan kayo ng Espiritu sa buong katotohanan at ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating, Juan 16:13. Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, ay humingi sa Diyos, Sant. 1:5. Ipahahayag ang lahat ng bagay, 2 Ne. 27:11. Magbibigay ako sa mga anak ng tao nang taludtod sa taludtod, 2 Ne. 28:30. Walang lihim ang hindi ibubunyag, 2 Ne. 30:17. Ipagbibigay-alam ng Espiritu Santo ang lahat ng bagay sa inyo, 2 Ne. 32:5. Walang sinuman ang nakaaalam ng pamamaraan ng Diyos maliban kung ipahahayag ito sa kanya, Jac. 4:8. Nag-ayuno at nanalangin si Alma para sa paghahayag, Alma 5:46. Ihahayag sa matatapat ang mga bagay na kailanman ay hindi pa naipahahayag, Alma 26:22. Sila na nagtatatwa sa paghahayag ay hindi nalalaman ang ebanghelyo ni Jesucristo at hindi nauunawaan ang mga banal na kasulatan, Morm. 9:7–8. Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya, Eter 12:6. Matutupad lahat ang aking salita, D at T 1:38. Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito? D at T 6:22–23. Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, D at T 8:2–3. Kung ito ay tama aking papapangyarihin na ang iyong dibdib ay mag-alab, D at T 9:8. Huwag itatwa ang diwa ng paghahayag, D at T 11:25. Sila na hihingi ay makatatanggap ng higit pang paghahayag, D at T 42:61. Anuman ang kanilang sasabihin kapag pinakikilos ng Espiritu Santo ay magiging tinig ng Panginoon, D at T 68:4. Ang Diyos ay magbibigay sa iyo ng kaalaman,D at T 121:26. Nakita ni Joseph Smith ang Ama at ang Anak, JS—K 1:17. Naniniwala kami sa lahat ng ipinahayag ng Diyos at ipahahayag pa, S ng P 1:7, 9.