Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Putong
Tingnan din sa Buhay na Walang Hanggan
Isang bilog na palamuting isinusuot sa ulo ng mga pinuno. Maaari itong maging sagisag ng kapangyarihang selestiyal, pamamahala, at pagkadiyos. Yaong mga makapagtitiis hanggang wakas sa pagsunod sa lahat ng kautusan ng Diyos ay makatatanggap ng putong ng buhay na walang hanggan. (Tingnan sa D at T 20:14; Moi. 7:56; JS—Mat. 1:1.)
Nalalaan para sa akin ang putong ng kabutihan, 2 Tim 4:8. Magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian, 1 Ped. 5:4. Ang mga patay na nangamatay sa Panginoon ay tatanggap ng isang putong ng kabutihan, D at T 29:13. Sila ay makatatanggap ng putong sa mga tahanan ng aking Ama, D at T 59:2. Inihahanda ng Panginoon ang mga Banal na makarating sa putong na inihanda para sa kanila, D at T 78:15. Pinangakuan ng Panginoon ang kanyang mga Banal ng putong ng kaluwalhatian sa kanyang kanang kamay, D at T 104:7.