Isang sagisag ng kaisipan at kalooban ng tao at ang matalinhagang pinagmumulan ng lahat ng damdamin at pakiramdam.
Ibigin ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, Deut. 6:5 (Deut. 6:3–7; Mat. 22:37; Lu. 10:27;
D at T 59:5). Humahanap ang Panginoon ng isang tao ayon sa kanyang sariling puso, 1 Sam. 13:14. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso, 1 Sam. 16:7. Siya na may malilinis na mga kamay at may dalisay na puso ay aakyat sa burol ng Panginoon at pagpapalain, Awit 24:3–5 (
2 Ne. 25:16). Tulad ng iniisip ng isang tao sa kanyang puso, ay siya gayon, Kaw. 23:7. Ibabalik-loob ni Elijah ang mga puso ng mga ama sa kanilang mga anak, at ang mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama, Mal. 4:5–6 (Lu. 1:17;
D at T 2:2;
110:14–15;
138:47;
JS—K 1:39). Pinagpala ang lahat ng may dalisay na puso, Mat. 5:8 (
3 Ne. 12:8). Nangungusap ang isang tao mula sa kabutihan o kasamaan ng kanyang puso, Lu. 6:45. Sundin ang Anak nang may buong layunin ng puso,
2 Ne. 31:13. Kayo ba ay espirituwal na isinilang sa Diyos at naranasan ang malaking pagbabago sa inyong mga puso?
Alma 5:14. Iaalay bilang pinaka-hain sa Panginoon ang bagbag na puso at nagsisising Espiritu,
3 Ne. 9:20 (
3 Ne. 12:19;
Eter 4:15;
Moro. 6:2). Sasabihin ko sa iyo sa iyong isip at sa iyong puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo,
D at T 8:2.