|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Patriyarkal Na Pagbabasbas, Mga
Ang mga pagbabasbas na ibinibigay sa mga karapat-dapat na kasapi ng Simbahan sa pamamagitan ng mga inordenang patriyarka. Naglalaman ang isang patriyarkal na pagbabasbas ng mga payo ng Panginoon para sa taong tumatanggap ng pagbabasbas at ipinaaalam ang angkan ng tao sa sambahayan ni Israel. Maaaring magbigay ang mga ama ng mga natatanging pagbabasbas bilang mga patriyarka ng kanilang mga mag-anak, ngunit ang mga basbas na ito ay hindi itinatala o iniingatan ng Simbahan.
Iniunat ni Israel ang kanyang kanang kamay at ipinatong ito sa ulo ni Ephraim, Gen. 48:14. Binasbasan ni Jacob ang kanyang mga anak at ang kanilang mga binhi, Gen. 49. Binasbasan ni Lehi ang kanyang mag-anak, 2 Ne. 4:3–11.
|