Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Paniniwala, Maniwala
Ang magkaroon ng pananampalataya sa isang tao o tanggaping totoo ang isang bagay. Kinakailangang magsisi at maniwala ang isang tao kay Jesucristo upang maligtas sa kaharian ng Diyos (D at T 20:29).
Maniwala sa Panginoon ninyong Diyos; maniwala sa kanyang mga propeta, 1 Cron. 20:20. Hindi nasaktan si Daniel sa yungib ng mga leon dahil sa naniwala siya sa Diyos, Dan. 6:23. Ayon sa iyong paniniwala, gayon ang sa iyo’y mangyayari, Mat. 8:13. Anumang iyong hihingin sa panalangin, na naniniwala, ay iyong tatanggapin, Mat. 21:22. Huwag matakot, maniwala lamang, Mar. 5:36. Ang lahat ng bagay ay mangyayari sa kanya na naniniwala, Mar. 9:23–24. Siya na naniniwala at nabinyagan ay maliligtas, Mar. 16:16 (2 Ne. 2:9; 3 Ne. 11:33–35). Siya na naniniwala sa Anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, Juan 3:16, 18, 36 (Juan 5:24; D at T 10:50). Naniniwala kami at nakatitiyak na ikaw ang Cristo, Juan 6:69. Siya na naniniwala sa akin, bagama’t siya’y namatay, gayon man siya’y mabubuhay, Juan 11:25–26. Tayo na naniniwala ay nagsisipasok sa kapahingahan, Heb. 4:3. Maniwala kay Jesucristo at mag-ibigan, 1 Juan 3:23. Walang lilipulin ang Mesiyas sa naniniwala sa kanya, 2 Ne. 6:14. Uusigin ang mga Judio hanggang sa mahikayat silang maniwala kay Cristo, 2 Ne. 25:16. Kung kayo ay naniniwala sa mga bagay na ito, tiyaking ito ay inyong gagawin, Mos. 4:10. Aakuin ng Anak sa kanyang sarili ang mga pagkakasala ng mga yaong naniniwala sa kanyang pangalan, Alma 11:40. Pinagpala siya na naniniwala sa mga salita ng Diyos nang hindi pinipilit, Alma 32:16. Kahit na wala kayong higit na nais kundi ang maniwala, hayaan na ang pagnanais na ito ay umiral sa inyo, Alma 32:27. Kung kayo ay naniniwala sa pangalan ni Cristo, kayo ay magsisisi, Hel. 14:13. Yaong mga naniniwala kay Cristo ay naniniwala rin sa Ama, 3 Ne. 11:35. Kailanma’y hindi pa naniwala ang tao sa Panginoon na tulad ng kapatid ni Jared, Eter 3:15. Bawat bagay na humihikayat na maniwala kay Cristo ay isinugo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo, Moro. 7:16–17. Yaong mga naniniwala sa mga salita ng Panginoon ay pagpapakitaan ng Espiritu, D at T 5:16. Yaong mga naniniwala sa pangalan ng Panginoon ay magiging mga anak ng Diyos, D at T 11:30 (Juan 1:12). Sa iba ay ipinagkaloob na maniwala sa mga salita ng iba, D at T 46:14. Mga palatandaan ang susunod sa mga yaong naniniwala, D at T 58:64 (D at T 63:7–12). Yaong mga naniniwala, nagsisisi, at nabinyagan ay tatanggap ng Espiritu Santo, Moi. 6:52.