|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Paninibugho, Naninibugho
Sa pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang salitang naninibugho ay may dalawang kahulugan: (1) ang pagiging maalab at may pagkamaramdamin at matinding damdamin sa isang tao o isang bagay, at (2) ang pagiging mainggitin sa isang tao o mapaghinala na magsasamantala ang iba.
Ang magkaroon ng maalab na damdamin: Ako ang Panginoon ay isang mapanibughuing Diyos, Ex. 20:5 (Deut. 5:9; 6:15; Mos. 11:22). Maninibugho ako alang-alang sa aking banal na pangalan, Ez. 39:25. Naninibugho ako alang-alang sa Jerusalem at sa Sion, Zac. 1:14.
Ang maging mainggitin o mapaghinala: Ang paninibugho ay pag-iinit ng isang tao, Kaw. 6:32–35. Nagsimulang manibugho si Akis sa kanyang anak na lalaki, Eter 9:7. Alisin ang inyong sarili mula sa mga paninibugho at takot, D at T 67:10.
|