Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Espiritu
Yaong bahagi ng buhay na nilalang na nabuhay na bago pa man isilang, na nananahan sa katawang pisikal sa buhay na ito, at mananatili pagkaraan ng kamatayan bilang nahihiwalay na nilalang hanggang sa pagkabuhay na mag-uli. Lahat ng may buhay—sangkatauhan, mga hayop, at halaman—ay mga espiritu bago pa nagkaroon ng anumang bagay na may buhay sa ibabaw ng lupa (Gen. 2:4–5; Moi. 3:4–7). Ang espiritung katawan ay kawangis ng katawang pisikal (1 Ne. 11:11; Eter 3:15–16; D at T 77:2; D at T 129). Ang espiritu ay bagay, subalit ito’y mas pino o dalisay kaysa elemento ng tao o bagay (D at T 131:7).
Ang bawat tao ay ganap na anak na lalaki’t babae ng Diyos, bilang mga espiritung isinilang sa mga Magulang sa Langit bago isilang sa mga magulang na may kamatayan sa lupa (Heb. 12:9). Ang bawat tao sa lupa ay may katawang espiritu na walang kamatayan bukod sa katawan na may laman at buto. Tulad ng minsang ipinaliwanag sa banal na kasulatan, ang magkasamang espiritu at katawan ang bumubuo ng kaluluwang may buhay (Gen. 2:7; D at T 88:15; Moi. 3:7, 9, 19; Abr. 5:7). Maaaring mabuhay ang espiritu nang walang katawan, subalit ang katawan ay hindi maaaring mabuhay kung walang espiritu (Sant. 2:26). Ang paghihiwalay ng espiritu mula sa katawan ay pisikal na kamatayan. Sa pagkabuhay na mag-uli, ang espiritu ay sasamang muli sa dati ring katawang pisikal na may laman at buto na inangkin nito bilang isang mortal, na may dalawang pangunahing kaibahan: hindi na sila muling maghihiwalay kailanman, at ang katawang pisikal ay magiging walang kamatayan at magiging ganap (Alma 11:45; D at T 138:16–17).
Ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin, Lu. 24:39. Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos, Rom. 8:16. Luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan, at ng inyong espiritu ang Diyos, 1 Cor. 6:20. Ang katawang ito ang katawan ng aking espiritu, Eter 3:16. Ang tao ay espiritu, D at T 93:33. Naglingkod si Cristo sa mabubuting espiritu sa paraiso, D at T 138:28–30 (1 Ped. 3:18–19). Kayo ay isinilang sa daigdig sa pamamagitan ng tubig, at dugo, at ng espiritu, Moi. 6:59. Tumayo siya kasama yaong mga espiritu, Abr. 3:23.
Masasamang espiritu: Maraming diyablo ang itinaboy ni Jesus, Mar. 1:27, 34, 39. Lumabas ka sa taong ito, ikaw na karumal-dumal na espiritu, Mar. 5:2–13. Ang masamang espiritu ay hindi nagtuturo sa tao na manalangin, 2 Ne. 32:8. Sa pangalan ni Jesus siya ay nagpapalayas ng mga diyablo at masasamang espiritu, 3 Ne. 7:19. Maraming mapanlinlang na espiritu ang humayo sa panlilinlang sa sanlibutan, D at T 50:2, 31–32. Ipinaliwanag ni Joseph Smith ang tatlong susi sa pagkilala kung ang isang espiritu ay sa Diyos o sa diyablo, D at T 129.