|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ebanghelyo
Pinapangyari ang plano ng kaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo. Kabilang sa ebanghelyo ang mga katotohanang walang hanggan o mga batas, tipan, at kinakailangang ordenansa upang makabalik muli ang sangkatauhan sa kinaroroonan ng Diyos. Ibinalik ng Diyos ang kabuuan ng ebanghelyo sa mundo noong ikalabinsiyam na siglo sa pamamagitan ng Propetang si Joseph Smith.
Magsiyaon sa buong sanlibutan at ipangaral ang ebanghelyo, Mar. 16:15. Ang malilinaw at pinakamahahalagang bahagi ng ebanghelyo ng Kordero ay ipinagkait, 1 Ne. 13:32. Ito ang aking ebanghelyo, 3 Ne. 27:13–21 ( D at T 39:6). Naglalaman ang Aklat ni Mormon ng kabuuan ng ebanghelyo, D at T 20:8–9 ( D at T 42:12). Ito ang ebanghelyo, D at T 76:40–43. Pinangangasiwaan ng Pagkasaserdoteng Melquisedec ang ebanghelyo, D at T 84:19. Bawat tao ay maririnig ang kabuuan ng ebanghelyo sa kanyang sariling wika, D at T 90:11. Ipinangaral ng Anak ang ebanghelyo sa mga espiritu ng mga patay, D at T 138:18–21, 28–37. Ipinangaral ang ebanghelyo mula sa simula, Moi. 5:58. Inilarawan ang unang alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, S ng P 1:4.
|