|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ebanghelista
Ang isang taong nagdadala o nagpapahayag ng mabubuting balita ng ebanghelyo ni Jesucristo. Itinuro ni Joseph Smith na ang isang ebanghelista ay isang patriyarka. Tinawag at inordenan sa ilalim ng pamamatnubay ng Labindalawang Apostol ang mga patriyarka upang magbigay ng mga natatanging pagbabasbas na tinatawag na mga patriyarkal na pagbabasbas.
Tumatawag ang Panginoon ng ilang tao upang maging mga Apostol, at ang iba mga propeta, at ang iba mga ebanghelista, Ef. 4:11. Gawin ang gawain ng isang ebanghelista, 2 Tim. 4:5. Naniniwala kami sa mga Apostol, propeta, pastor, guro, ebanghelista, S ng P 1:6.
|