|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Diyos, Panguluhang Diyos
May tatlong magkahiwalay na katauhan sa Panguluhang Diyos: Diyos, ang Amang Walang Hanggan; ang kanyang Anak, si Jesucristo; at ang Espiritu Santo. Naniniwala kami sa bawat isa sa kanila ( S ng P 1:1). Mula sa paghahayag ng huling araw nalaman natin na ang Ama at ang Anak ay may katawang laman at buto na nahahawakan at ang Espiritu Santo ay isang katauhan na espiritu, walang katawang laman at buto ( D at T 130:22–23). Ang tatlong katauhang ito ay magkakasama sa ganap na pagkakaisa at magkakatugma ng layunin at doktrina (Juan 17:21–23; 2 Ne. 31:21; 3 Ne. 11:27, 36).
Diyos Ama: Ito ang Ama, o Elohim, na tinutukoy ng katawagang Diyos. Tinawag siyang Ama dahil siya ang ama ng ating mga espiritu (Mal. 2:10; Blg. 16:22; 27:16; Mat. 6:9; Ef. 4:6; Heb. 12:9). Ang Diyos Ama ang pinakadakilang namamahala ng sansinukob. Siya ay pinakamakapangyarihan (Gen. 18:14; Alma 26:35; D at T 19:1–3), nakaaalam ng lahat (Mat. 6:8; 2 Ne. 2:24), at saan mang dako ay naroroon sa pamamagitan ng kanyang Espiritu (Awit 139:7–12; D at T 88:7–13, 41). May natatanging kaugnayan ang sangkatauhan sa Diyos na naghihiwalay sa tao sa iba pang bagay na nilikha: mga espiritu ng anak ng Diyos ang mga lalaki at babae (Awit 82:6; 1 Juan 3:1–3; D at T 20:17–18).
May ilang naitalang mga pangyayari na ang Diyos Ama ay nagpakita o nangusap sa tao. Isinasaad sa mga banal na kasulatan na nangusap siya kina Adan at Eva ( Moi. 4:14–31) at ipinakilala si Jesucristo sa ilang pagkakataon (Mat. 3:17; 17:5; Juan 12:28–29; 3 Ne. 11:3–7). Nagpakita siya kina Esteban (Gawa 7:55–56) at Joseph Smith ( JS—K 1:17). Sa huli ay nagpakita siya kapwa kina Joseph Smith at Sidney Rigdon ( D at T 76:20, 23). Sa mga yaong umiibig sa Diyos at dinadalisay ang kanilang sarili sa harapan niya, pinagkakaloob minsan ng Diyos ang pribilehiyong makita at makilala sa kanilang sarili na siya ang Diyos (Mat. 5:8; 3 Ne. 12:8; D at T 76:116–118; 93:1).
Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Mar. 15:34. Ang mga taong ito ang mga tagapaglingkod ng pinakadakilang Diyos, Gawa 16:17. Tayo ay mga anak ng Diyos, Gawa 17:28–29. Ihandog ang inyong mga sakramento sa Kataas-taasan, D at T 59:10–12. Namalas ni Enoc ang mga espiritung nilalang ng Diyos, Moi. 6:36. Tao ng Kabanalan ang kanyang pangalan, Moi. 6:57.
Diyos Anak: Ang Diyos na kilala bilang Jehova ay ang Anak, si Jesucristo (Is. 12:2; 43:11; 49:26; 1 Cor. 10:1–4; 1 Tim. 1:1; Apoc. 1:8; 2 Ne. 22:2). Gumagawa si Jesus sa ilalim ng pamamatnubay ng Ama at may ganap na pagkakaisa sa kanya. Kapatid niya ang buong sangkatauhan, sapagkat siya ang pinakamatanda sa mga espiritung anak ni Elohim. Tinutukoy siya ng ilang banal na kasulatang sanggunian sa salitang Diyos. Halimbawa, sinasabi sa banal na kasulatan na “Nilikha ng Diyos ang langit at lupa” (Gen. 1:1), subalit iyon ay si Jesus na siyang Lumikha sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos Ama (Juan 1:1–3, 10, 14; Heb. 1:1–2).
Ipinakilala ng Panginoon ang kanyang sarili bilang AKO, Ex. 3:13–16. Ako ang Panginoon (Jehova), at liban sa akin ay walang tagapagligtas, Is. 43:11 (Is. 45:23). Ako ang ilaw ng sanlibutan, Juan 8:12. Bago si Abraham, ay Ako, Juan 8:58. Magmiministeryo ang Panginoon sa mga tao sa katawang-lupa, Mos. 3:5–10. Ipinaliwanag ni Abinadi kung paano si Cristo ang Ama at ang Anak, Mos. 15:1–4 ( Eter 3:14). Nagpakita ang Panginoon sa kapatid ni Jared, Eter 3. Makinig sa mga salita ni Cristo na inyong Panginoon at inyong Diyos, Moro. 8:8. Si Jehova ang hukom ng mga buhay at patay, Moro. 10:34. Nagpakita si Jesus kina Joseph Smith at Sidney Rigdon, D at T 76:20, 23. Nagpakita ang Panginoong Jehova sa Templo ng Kirtland, D at T 110:1–4. Nangusap si Jehova kay Abraham, Abr. 1:16–19. Nagpakita si Jesus kay Joseph Smith, JS—K 1:17.
Diyos Espiritu Santo: Ang Espiritu Santo ay isa ring Diyos at tinatawag na Banal na Espiritu, ang Espiritu, at ang Espiritu ng Diyos, sa iba pang magkakatulad na mga pangalan at katawagan. Sa tulong ng Espiritu Santo maaaring malaman ng tao ang kalooban ng Diyos Ama at malaman na si Jesus ang Cristo (1 Cor. 12:3).
Tuturuan kayo ng Espiritu Santo kung ano ang dapat ninyong sabihin, Lu. 12:12. Ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw, Juan 14:26 (16:7–15). Nagbigay si Jesus sa mga Apostol ng mga kautusan sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Gawa 1:2. Nagpapatotoo ang Espiritu Santo sa Diyos at kay Cristo, Gawa 5:29–32 (1 Cor. 12:3). Ang Espiritu Santo ay isa ring patotoo sa atin, Heb. 10:10–17. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay, Moro. 10:5. Ang Espiritu Santo ay diwa ng paghahayag, D at T 8:2–3 ( D at T 68:4).
|