Si Satanas. Ang diyablo ang siyang kaaway ng kabutihan at ng mga yaong nagsisikap gawin ang kalooban ng Diyos. Siya ay literal na espiritung anak ng Diyos at minsan ay isang anghel na may kapangyarihan sa harapan ng Diyos (
2 Ne. 2:17; Is. 14:12). Gayunman, naghimagsik siya bago pa man ang buhay sa mundo at hinikayat ang ikatlong bahagi ng mga espiritung anak ng Ama na maghimagsik sa kanya (
D at T 29:36;
Moi. 4:1–4;
Abr. 3:27–28). Itinapon silang palabas ng langit, pinagkaitan ng pagkakataong magkaroon ng mga katawang lupa at makaranas ng buhay sa mundo, at walang hanggang isinumpa. Magmula nang itapon palabas ng langit ang diyablo, patuloy siya sa paghahangad na malinlang ang lahat ng kalalakihan at kababaihan at ilayo sila mula sa mga gawain ng Diyos upang gawing kaaba-abang katulad niya ang buong sangkatauhan (Apoc. 12:9;
2 Ne. 2:27;
9:8–9).
Pinagwikaan ni Jesus ang diyablo, Mat. 17:18. Walang hanggang apoy ang inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga anghel, Mat. 25:41. Paglabanan ang diyablo, at tatakasan niya kayo, Sant. 4:7. Ang masasama ay hihilahing pababa tungo sa pagkabihag ng diyablo,
1 Ne. 14:7. Ang diyablo ang siyang ama ng lahat ng kasinungalingan,
2 Ne. 2:18 (
Moi. 4:4). Hinahangad ng diyablo na ang lahat ng tao ay maging kaaba-abang katulad niya,
2 Ne. 2:27. Kung ang laman ay hindi na babangon pa, ang ating mga espiritu ay kailangang mapasakop sa diyablo,
2 Ne. 9:8–9. Ang diyablo ay mananalanta, magpapayapa, at manghihibok,
2 Ne. 28:20–23. Ang yaong masama ay nagmumula sa diyablo,
Omni 1:25 (
Alma 5:40;
Moro. 7:12, 17). Mag-ingat na baka magkaroon ng pagtatalo sa inyo, at inyong sundin ang masamang espiritu,
Mos. 2:32. Kung kayo ay hindi mga tupa ng mabuting pastol, ang diyablo ang inyong pastol,
Alma 5:38–39. Hindi itataguyod ng diyablo ang kanyang mga anak,
Alma 30:60. Parating patuloy na manalangin upang kayo ay hindi madala sa mga tukso ng diyablo,
Alma 34:39 (
3 Ne. 18:15, 18). Itayo ang inyong saligan sa Manunubos upang ang malakas na bagyo ng diyablo ay hindi magkaroon ng kapangyarihan sa inyo,
Hel. 5:12. Ang diyablo ang siyang nagpasimula sa lahat ng kasalanan,
Hel. 6:26–31. Ang diyablo ay naghangad na maghanda ng isang tusong plano,
D at T 10:12. Kinakailangan na ang diyablo ay tuksuhin ang mga anak ng tao, o hindi sila magiging kinatawan,
D at T 29:39. Napasailalim si Adan sa kalooban ng diyablo dahil siya ay nagpadala sa tukso,
D at T 29:40. Maghahari ang mga anak na lalaki ng kapahamakan kasama ang diyablo at ang kanyang mga anghel sa kawalang-hanggan,
D at T 76:33, 44. Ang diyablo ay igagapos ng isanlibong taon,
D at T 88:110 (Apoc. 20:2). Inalis ng yaong masama ang liwanag at katotohanan,
D at T 93:39. Hindi napanatili ni Satanas ang kanyang unang kalagayan,
Abr. 3:28.
Itinatag ng diyablo ang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan,
1 Ne. 13:6 (
1 Ne. 14:9). May dalawang simbahan lamang, isa sa Kordero ng Diyos at isa sa diyablo,
1 Ne. 14:10 (
Alma 5:39). Huwag makipagtalo laban sa anumang simbahan, maliban sa simbahan ng diyablo,
D at T 18:20. Ang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ay pababagsakin,
D at T 29:21.