Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Digmaan
Tingnan din sa Kapayapaan
Isang labanan o sagupaan ng sandata; paglalaban sa pamamagitan ng mga sandata. Sinasang-ayunan lamang ng Panginoon ang digmaan bilang huling paraan ng kanyang mga Banal upang ipagtanggol ang kanilang mga mag-anak, ari-arian, karapatan, pribilehiyo, at kalayaan (Alma 43:9, 45–47).
Hinangad ni Moroni na ipagtanggol ang kanyang mga tao, ang kanyang mga karapatan, ang kanyang bayan, at ang kanyang relihiyon, Alma 48:10–17. Nakatanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag at nagpropesiya ng isang digmaan, D at T 87. Talikuran ang digmaan at ipahayag ang kapayapaan, D at T 98:16, 34–46. Kami ay naniniwala na ang mga tao ay binibigyang-katwiran sa pagtatanggol ng kanilang sarili, ng kanilang mga kaibigan, at ari-arian, at ng pamahalaan, D at T 134:11. Naniniwala kami sa pagsunod, paggalang at pagtataguyod ng batas, S ng P 1:12.