Ang kapangyarihang mula sa Diyos na makapagpapahintulot sa mga kalalakihan at kababaihan na makatamo ng mga biyaya sa buhay na ito at magkaroon ng buhay na walang hanggan at kadakilaan matapos nilang isagawa ang pananampalataya, nagsisi, at ibinigay ang kanilang buong pagsisikap na sundin ang mga kautusan. Ibinibigay ang gayong dakilang tulong o lakas sa pamamagitan ng awa at pag-ibig ng Diyos. Nangangailangan ang bawat mortal na tao ng dakilang biyaya dahil sa pagkahulog ni Adan at dahil din sa mga kahinaan ng tao.
Dumarating ang biyaya at katotohanan sa pamamagitan ni Jesucristo, Juan 1:17. Sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo, tayo ay maliligtas, Gawa 15:11 (Rom. 3:23–24;
D at T 138:14). Nagkaroon tayo ng pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya dahil sa kanyang biyaya, Rom. 5:2. Sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, Ef. 2:8. Nagdadala ng kaligtasan ang biyaya ng Diyos, Tit. 2:11. Dumulog sa trono ng biyaya, Heb. 4:16. Nagbibigay ng biyaya ang Diyos sa mga mapagkumbaba, 1 Ped. 5:5. Walang sinuman ang makapananahanan sa kinaroroonan ng Diyos maliban sa pamamagitan ng kabutihan, awa, at biyaya ng Banal na Mesiyas,
2 Ne. 2:8. Ito ay dahil lamang sa at sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos na ang mga tao ay maliligtas,
2 Ne. 10:24. Naligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya, sa kabila ng lahat ng ating magagawa,
2 Ne. 25:23. Sa pamamagitan ito ng biyaya kaya may kapangyarihan kaming gawin ang mga bagay na ito,
Jac. 4:7. Maaaring mapanumbalik ang mga tao nang biyaya sa biyaya, alinsunod sa kanilang mga gawa,
Hel. 12:24. Sapat ang aking biyaya para sa maaamo at sa lahat ng nagpapakumbaba ng kanilang sarili,
Eter 12:26–27. Nanalangin si Moroni na bigyan ng biyaya ang mga Gentil upang sila ay magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao,
Eter 12:36, 41. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos naging ganap kayo kay Cristo,
Moro. 10:32–33. Nakatanggap si Jesus nang biyaya sa biyaya,
D at T 93:12–13, 20.