Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Babel, Babilonia
Tingnan din sa Daigdig; Nabucodonosor; Sanlibutan
Ang kabisera ng Babilonia.
Ang Babel ay itinayo ni Nimrod at isa sa pinakamatandang lunsod sa lupain ng Mesopotamia, o Sinar (Gen. 10:8–10). Nilito ng Panginoon ang mga wika noong panahong itinatayo ng mga tao ang Tore ng Babel (Gen. 11:1–9; Eter 1:3–5, 33–35). Di naglaon, ang Babilonia ang naging kabisera ni Nabucodonosor. Nagtayo siya ng napakalaking lunsod kung aling mga guho ay naroroon pa. Naging napakasamang lunsod ang Babilonia at mula noon ay naging sagisag na ng kasamaan ng sanlibutan.
Tumakas sa gitna ng Babilonia, Jer. 51:6. Itatayo at babagsak ang Babilonia, Apoc. 17–18. Matatatag ang Babilonia at babagsak, Apoc. 17–18. Mawawasak ang Babilonia, 2 Ne. 25:15. Ang Babilonia ay babagsak, D at T 1:16. Hindi ko paliligtasin ang sinumang mamamalagi sa Babilonia, D at T 64:24. Lumabas kayo sa Babilonia, D at T 133:5, 7, 14.