Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Bato
Tingnan din sa Ebanghelyo; Jesucristo; Paghahayag
Patalinghaga, si Jesucristo at ang kanyang ebanghelyo, na isang matatag na saligan at tukuran (D at T 11:24; 33:12–13). Ang bato ay maaari ring tumukoy sa paghahayag, na pamamaraan ng Diyos upang ipaalam ang kanyang ebanghelyo sa tao (Mat. 16:15–18).
Siya ang bato, ang kanyang gawa ay sakdal, Deut. 32:4. Ang Panginoon ay aking malaking bato; sa kanya ako’y manganganlong, 2 Sam. 22:2–3. May natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, Dan. 2:34–35. Natatayo sa ibabaw ng bato, Mat. 7:25 (3 Ne. 14:25). Si Jesucristo ang bato na itinakwil, Gawa 4:10–11. Ang Batong yaon ay si Cristo, 1 Cor. 10:1–4 (Ex. 17:6). Siya na nakatayo sa malaking bato ay tumatanggap ng katotohanan, 2 Ne. 28:28. Itatakwil ng mga Judio ang bato (si Cristo) kung saan sila makapagtatayo, Jac. 4:15–17. Dito sa ibabaw ng bato ng ating Manunubos dapat tayong magtayo ng ating saligan, Hel. 5:12. Ang bawat nagtatayo sa mga doktrina ni Cristo ay natatayo sa ibabaw ng kanyang bato at hindi babagsak sa pagdating ng baha, 3 Ne. 11:39–40 (Mat. 7:24–27; 3 Ne. 18:12–13). Ang matalinong tao ay nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng isang malaking bato, 3 Ne. 14:24. Kung kayo ay itinayo sa aking bato, ang mundo at impiyerno ay hindi mananaig, D at T 6:34. Siya na nakatayo sa ibabaw ng batong ito ay hindi kailanman babagsak, D at T 50:44. Ako ang Mesiyas, ang Hari ng Sion, ang Bato ng Langit, Moi. 7:53.