Ang mga anak ay mga pamana mula sa Panginoon, Awit 127:3–5. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, Kaw. 22:6. Pabayaan ang mga bata, at huwag silang pagbawalang lumapit sa akin, Mat. 19:14. Sundin ang inyong mga magulang, Ef. 6:1–3 (Col. 3:20). Kung walang Pagkahulog, hindi sana magkakaanak sina Adan at Eva,
2 Ne. 2:22–23. Turuan ang mga batang lumakad sa katotohanan at kahinahunan,
Mos. 4:14–15. Ang maliliit na bata ay may buhay na walang hanggan,
Mos. 15:25. Kinuha ni Jesus ang maliliit na bata at binasbasan sila,
3 Ne. 17:21. Ang lahat ng iyong mga anak ay tuturuan ng Panginoon, at malaki ang magiging kapayapaan ng iyong mga anak,
3 Ne. 22:13 (Is. 54:13). Ang maliliit na bata ay hindi nangangailangan ng pagsisisi o pagbibinyag,
Moro. 8:8–24. Ang maliliit na bata ay tinubos mula pa sa pagkakatatag ng daigdig sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak,
D at T 29:46–47. Nararapat ituro ng mga magulang sa mga anak ang mga alituntunin at gawain ng ebanghelyo,
D at T 68:25, 27–28. Ang maliliit na bata ay pinabanal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo,
D at T 74:7. Ang mga magulang ay inuutusang palakihin ang kanilang mga anak sa liwanag at katotohanan,
D at T 93:40. Ang mga batang namamatay bago sumapit sa gulang ng pananagutan ay ligtas sa kahariang selestiyal,
D at T 137:10.