Isang matapat na kasapi ng Simbahan ni Jesucristo.
Pisanin mo ang aking mga Banal sa akin, Awit 50:5. Ginawan ni Saul ng labis na kasamaan ang mga Banal sa Jerusalem, Gawa 9:1–21. Si Pedro ay naparoon naman sa mga Banal na nananahan sa Lidda, Gawa 9:32. Biyaya at kapayapaan sa lahat ninyong nasa Roma, tinawag na mga Banal, Rom. 1:7. Kayo’y mga kababayan na kasama ng mga Banal, Ef. 2:19–21. Namasdan ko ang simbahan ng Kordero, na mga Banal ng Diyos,
1 Ne. 14:12. Ang likas na tao ay kaaway ng Diyos maliban kung siya ay maging isang Banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo,
Mos. 3:19. Ako, ang Panginoon, ay pinagpala ang lupa upang gamitin ng aking mga Banal,
D at T 61:17. Nakidigma si Satanas sa mga Banal ng Diyos,
D at T 76:28–29. Masigasig kayong gumawa upang ihanda ang mga Banal sa paghuhukom na darating,
D at T 88:84–85. Dapat na mamahagi ng kanilang yaman ang mga Banal sa maralita at nagdurusa,
D at T 105:3. Ang mga katungkulan sa itaas ay aking ibinigay para sa gawain ng ministeryo at sa pagpapaganap ng aking mga Banal,
D at T 124:143 (Ef. 4:12).