Ang may mga dalisay na puso (
D at T 97:21). Ang salitang Sion ay tumutukoy rin sa lugar kung saan namumuhay ang may mga dalisay na puso. Ang lunsod na itinayo ni Enoc at ng kanyang mga tao na di naglaon ay dinala sa langit dahil sa kabutihan ay tinawag na Sion (
D at T 38:4;
Moi. 7:18–21; 69). Sa mga huling araw, isang lunsod na tatawaging Sion ang matatayo sa malapit sa Jackson County, Missouri (Estados Unidos ng Amerika), kung saan magtitipon ang mga lipi ni Israel (
D at T 103:11–22;
133:18). Pinagpapayuhan ang mga Banal na itayo ang Sion saan mang dako sila naninirahan sa daigdig.
Ang lunsod ni David ay tinawag na Sion, 1 Hari 8:1. Mula sa Sion ay lalabas ang batas, Is. 2:2–3 (Mi. 4:2;
2 Ne. 12:2–3). Ang Manunubos ay paroroon sa Sion, Is. 59:20. Kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion, Jer. 3:14. Sa bundok ng Sion at sa Jerusalem naroon ang katubusan, Joel 2:32 (Obad. 1:17). Pinagpala sila na mga maghahangad na maitatag ang aking Sion,
1 Ne. 13:37. Mapagmataas ang mga anak na babae ng Sion,
2 Ne. 13:16 (Is. 3:16). Sa aba niya na pabaya sa Sion!
2 Ne. 28:19–25. Hangaring dalhin at itatag ang kapakanan ng Sion,
D at T 6:6 (
D at T 11:6). Siya ay aking pinukaw upang isulong ang kapakanan ng Sion sa dakilang kapangyarihan para sa kabutihan,
D at T 21:7. Ang Bagong Jerusalem ay tatawaging Sion,
D at T 45:66–67. Ang Independence, Missouri, ang lugar ng lunsod ng Sion,
D at T 57:1–3. Mananatili ang kaparusahan sa mga anak ng Sion hangga’t hindi sila nagsisisi,
D at T 84:58. Tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na Sion, sapagkat sila ay may isang puso at isang isipan,
Moi. 7:18–19. Ang Sion (ang Bagong Jerusalem) ay itatayo sa lupalop ng Amerika,
S ng P 1:10.