Sa mga banal na kasulatan, maaaring tumutukoy ang maralita sa (1) mga taong wala ng mga kinakailangang materyal na bagay, tulad ng pagkain, damit, at tirahan, o (2) mga taong mapagpakumbaba at walang kapalaluan.
Maralita sa mga materyal na bagay: Huwag mong itikom ang iyong kamay sa maralita mong kapatid, Deut. 15:7. Sa kapalaluan ng masama, ang dukha ay pinag-uusig, Awit 10:2. Siya na nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat, Kaw. 28:27. Dalhin ang maralita sa inyong tahanan, Is. 58:6–7. Kung ibig mong maging sakdal, magbigay sa dukha, Mat. 19:21 (Mar. 10:21; Lu. 18:22). Hindi ba pinili ng Diyos ang dukha ng daigdig na ito? Sant. 2:5. Sapagkat sila ay mayayaman kanilang hinahamak ang mga maralita,
2 Ne. 9:30. Alang-alang sa pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan, magbahagi ng inyong kabuhayan sa mga maralita,
Mos. 4:26. Ibinahagi nila ang kanilang kabuhayan sa mga maralita,
Alma 1:27. Kung inyong tatalikuran ang mga nangangailangan, ang inyong panalangin ay walang kabuluhan,
Alma 34:28. Ang mga Nephita ay may pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay; sa kanila ay walang mayaman at maralita,
4 Ne. 1:3. Inyong alalahanin ang mga maralita,
D at T 42:30 (
D at T 52:40). Sa aba sa mga maralita na ang mga puso ay hindi bagbag,
D at T 56:17–18. Ang maralita ay dadalo sa kasal ng Kordero,
D at T 58:6–11. Kinakailangang hanapin ng Obispo ang mga maralita,
D at T 84:112. Pinamamahalaan ng batas ng ebanghelyo ang pangangalaga sa mga maralita,
D at T 104:17–18. Walang maralita sa kanila,
Moi. 7:18.
Maralita sa espiritu: Higit na pinagpala ang mga yaong nagpakumbaba sa kanilang sarili nang hindi pinipilit dahil sa kanilang kahirapan,
Alma 32:4–6, 12–16. Mapapalad ang mga aba sa espiritu na lumalapit sa akin,
3 Ne. 12:3 (Mat. 5:3). Sa mga maralita at maaamo ang ebanghelyo ay ipangangaral,
D at T 35:15.