Ang Panginoon ay may mahabang pagtitiis, at may dakilang awa, nagpapatawad ng kasamaan at kasalanan, Blg. 14:18. Kahit na kasimpula ng granate ang inyong mga kasalanan, ito ay magiging simputi ng niebe, Is. 1:18. Patawarin kami sa aming mga pagkakautang, katulad ng pagpapatawad namin sa nagkakautang sa amin, Mat. 6:12 (Lu. 11:4;
3 Ne. 13:11). May kapangyarihan ang Anak ng tao na magpatawad ng mga kasalanan, Mat. 9:6 (Mat. 18:35; Mar. 2:10; Lu. 5:20–24). Gaano kadalas magkakasala ang aking kapatid laban sa akin, at patatawarin ko siya? Mat. 18:21–22 (
D at T 98:40). Siya na lumapastangan laban sa Banal na Espiritu ay walang kapatawaran, Mar. 3:29 (
Alma 39:6). Kung nagkasala ang iyong kapatid sa iyo at nagsisi, patawarin mo siya, Lu. 17:3. Ama patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang ginagawa, Lu. 23:34. Manalangin para sa kapatawaran,
1 Ne. 7:21. Gamitin ang mapagbayad-salang dugo ni Cristo upang kami ay makatanggap ng kapatawaran sa aming mga kasalanan,
Mos. 4:2. Kung magtatapat siya ng kanyang mga kasalanan sa harapan mo at sa akin, at magsisi, siya ay iyong patatawarin,
Mos. 26:29–31. Siya na nagsisisi at sumusunod sa mga kautusan ay patatawarin,
D at T 1:32. Hawakan ang iyong panggapas, at ang iyong mga kasalanan ay patatawarin,
D at T 31:5 (
D at T 84:61). Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan ay patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito,
D at T 58:42. Ako ay magpapatawad sa yaong aking patatawarin subalit kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao,
D at T 64:10. Yayamang pinatatawad ninyo ang isa’t isa sa inyong mga kasalanan, maging ako, ang Panginoon, ay pinatatawad kayo,
D at T 82:1. Ang aking minamahal ay akin ding pinarurusahan upang ang kanilang mga kasalanan ay mapatawad,
D at T 95:1. Pinatawad kita sa iyong paglabag,
Moi. 6:53.