Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kasal, Pagpapakasal
Tingnan din sa Diborsiyo; Mag-anak
Isang itinutulot ng batas na tipan o kasunduan sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na nagtatakda sa kanila na maging mag-asawa. Ang Diyos ang nag-orden ng kasal (D at T 49:15).
Hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa, Gen. 2:18 (Moi. 3:18). Ang lalaki ay makikipisan sa kanyang asawa, at sila ay magiging isang laman, Gen. 2:24 (Mat. 19:5; Abr. 5:18). Ang pinapagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao, Mat. 19:6 (Mar. 10:9). Sa mga huling araw, ang iba ay magsisitalikod sa pananampalataya, ipinagbabawal ang pag-aasawa, 1 Tim. 4:1–3. Ang kasal ay marangal, Heb. 13:4. Inutusan ng Panginoon ang mga anak ni Lehi na pakasalan ang mga anak ni Ismael, 1 Ne. 7:1, 5 (1 Ne. 16:7–8). Nilalang ng Diyos sina Adan at Eva na maging mag-asawa, Moi. 3:7, 18, 21–25.
Bago at walang hanggang tipan ng kasal: Ang kasal na ginaganap sa ilalim ng batas ng ebanghelyo at ng banal na pagkasaserdote ay para sa buhay na ito at para sa kawalang-hanggan. Ang mga karapat-dapat na lalaki at babae na nabuklod sa templo sa ilalim ng kasal ay maaaring magpatuloy bilang mag-asawa magpasawalang hanggan.
Itinuro ni Jesus ang batas ng kasal, Lu. 20:27–36. Ang lalaki ay di maaaring walang babae sa Panginoon, 1 Cor. 11:11. Ang mag-asawa ay magkasamang tagapagmana ng biyaya ng buhay, 1 Ped. 3:7. Anuman ang ibubuklod mo sa lupa ay mabubuklod sa langit, Hel. 10:7 (Mat. 16:19). Upang matamo ang pinakamataas na antas ng kahariang selestiyal, ang isang tao ay nararapat na pumasok sa bago at walang hanggang tipan ng kasal, D at T 131:1–4. Kung ang lalaki ay nagpakasal sa isang babae ng hindi sa pamamagitan ko, ang kanilang tipan at kasal ay walang bisa kapag sila ay patay na, D at T 132:15. Kung ang lalaki ay mag-aasawa sa pamamagitan ng salita ko at sa pamamagitan ng bago at walang hanggang tipan, at ito ay ibinuklod ng Banal na Espiritu ng Pangako, ito ay may buong bisa kung sila ay wala na sa daigdig, D at T 132:19.
Pagpapakasal sa hindi kasampalataya: Kasal ng isang lalaki at babae na magkaiba ang paniniwala at mga kaugalian.
Hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Canaanita, Gen. 24:3. Kung si Jacob ay mag-asawa sa mga anak ni Het, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay? Gen. 27:46 (Gen. 28:1–2). Ang Israel ay hindi pakakasalan ang mga Canaanita, Deut. 7:3–4. Ang Israel ay nagpakasal sa mga Canaanita, naglingkod sa mga di tunay na diyos, at isinumpa, Huk. 3:1–8. Ang mga asawa ni Solomon ay ibinaling ang kanyang puso sa pagsamba sa mga di tunay na diyos, 1 Hari 11:1–6. Hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papag-asawahin ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalaki, Neh. 10:30. Huwag kayong makipamatok ng kabilang sa mga di nagsisisampalataya, 2 Cor. 6:14. Ang Panginoon ay naglagay ng tanda sa mga Lamanita upang ang mga Nephita ay di humalo at maniwala sa mga maling tradisyon, Alma 3:6–10. Kung ang lalaki ay nagpakasal sa isang babae nang hindi sa pamamagitan ko, ang kanilang tipan at kasal ay walang bisa kapag sila ay patay na, D at T 132:15. Ang mga anak ng tao ay kumuha ng kanilang mga asawa maging ayon sa kanilang pagpili, Moi. 8:13–15.
Maramihang pagpapakasal: Ang pagpapakasal ng isang lalaki sa dalawa o higit pang buhay na babae. Itinutulot ng batas na ang isang lalaki ay magkaroon lamang ng isang asawa, maliban kung iutos ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahayag (Jac. 2:27–30). Sa pamamagitan ng paghahayag , ang maramihang pagpapakasal ay ginawa sa panahon ng Lumang Tipan at sa mga unang araw ng pinanumbalik na Simbahan sa tagubilin ng propeta na nagtataglay ng mga susi ng pagkasaserdote (D at T 132:34–40, 45). Hindi na ito ginagawa sa Simbahan (D at T OP—1); ngayon, ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa ay salungat sa pagsapi sa Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ibinigay ni Sarai si Agar kay Abram upang maging asawa, Gen. 16:1–11. Tinanggap ni Jacob sina Lea at Raquel at ang kanilang mga babaing alipin bilang mga asawa, Gen. 29:21–28 (Gen. 30:4, 9, 26). Kung ang lalaki ay mag-aasawa pa ng iba, hindi niya babawasan ang mga ari-arian ng unang asawa, Ex. 21:20. Si David at ang kanyang dalawang asawa ay nagtungo sa Hebron, 2 Sam. 2:1–2. Sina Abraham, Isaac at Jacob ay ginawa ang yaong iniutos sa kanila sa pagtanggap ng maraming asawa, D at T 132:37. Sina David at Solomon ay di nagkasala sa anuman maliban sa mga yaon na hindi nila tinanggap mula sa Panginoon, D at T 132:38–39.