Ang kakayahang gumawa ng isang bagay. Ang magkaroon ng kapangyarihan sa isang tao o isang bagay ay magkaroon ng kakayahang pigilin o pag-utusan ang isang tao o bagay. Sa mga banal na kasulatan, ang kapangyarihan ay kadalasang nauugnay sa kapangyarihan ng Diyos o kapangyarihan ng langit. Ito ay kadalasang may kaugnayan sa karapatan ng pagkasaserdote, na siyang pahintulot o karapatang kumilos para sa Diyos.
Dahil dito ay ibinangon kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, Ex. 9:16. Ang Diyos ay aking lakas at kapangyarihan, 2 Sam. 22:33. Huwag ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagkat nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito’y gawin, Kaw. 3:27. Tunay na ako’y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, Mi. 3:8. Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin, Mat. 28:18. Nangagtaka sila sa kanyang doktrina, sapagkat may kapangyarihan ang kanyang salita, Lu. 4:32. Magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas, Lu. 24:49. Kasindami ng sa kanya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, Juan 1:12 (
D at T 11:30). Tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo, Gawa 1:8. Walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos, Rom. 13:1. Sa kapangyarihan ng Diyos kayo ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas, 1 Ped. 1:3–5. Ako’y puspos ng kapangyarihan ng Diyos,
1 Ne. 17:48. Ipinaalam din ito sa akin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo,
Jac. 7:12. Ang tao ay maaaring magkaroon ng dakilang kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng Diyos,
Mos. 8:16. Sila ay nagturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos,
Alma 17:2–3. Si Nephi ay nangaral nang may kapangyarihan at dakilang karapatan,
3 Ne. 7:15–20 (
3 Ne. 11:19–22). Bagaman ang tao ay may kapangyarihang makagawa ng mga makapangyarihang gawa, kung siya ay magyayabang sa kanyang sariling lakas siya ay tiyak na babagsak,
D at T 3:4. Ang kapangyarihang gumawa ng mabuti ay nasa bawat tao,
D at T 58:27–28. Sa mga ordenansa ng Pagkasaserdoteng Melquisedec ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita,
D at T 84:19–22. Ang mga karapatan ng pagkasaserdote ay hindi mapaghihiwalay sa mga kapangyarihan ng langit,
D at T 121:34–46. Akin kitang aakayin ng aking kamay, at ang aking kapangyarihan ay mapapasaiyo,
Abr. 1:18.