Ang paghihiwalay ng katawan at ng espiritu. Ang Pagkahulog ay nagdala ng pagkamatay at kamatayan sa lupa, (
2 Ne. 2:22;
Moi. 6:48). Napagtagumpayan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo ang kamatayan upang ang lahat ay mabuhay na mag-uli (1 Cor. 15:21–23). Ang pagkabuhay na mag-uli ay isang walang bayad na handog sa lahat ng tao maging sila man ay nakagawa ng mabuti o masama sa buhay na ito (
Alma 11:42–44). Magdaranas ang bawat tao ng iisang kamatayang pisikal sa dahilang sa ating pagkabuhay na mag-uli, ang ating mga katawan ay hindi na muling mamamatay (
Alma 11:45).
Lahat ng laman ay mamamatay, at ang tao ay mababalik uli sa alabok, Job 34:15. Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga Banal, Awit 116:15. Ang alabok ay babalik sa lupa, at ang espiritu ay magbabalik sa Diyos, Ec. 12:7. Sa pamamagitan ng tao’y dumating ang kamatayan, 1 Cor. 15:21. Hawak ng Tagapagligtas ang mga susi ng impiyerno at ng kamatayan, Apoc. 1:18. Hindi na magkakaroon pa ng kamatayan, ni kalungkutan, Apoc. 21:4. Dumating ang kamatayan sa lahat ng tao,
2 Ne. 9:6, 11 (
Alma 12:24). Kailanma’y hindi nila tinatanaw ang kamatayan nang may pangingilabot,
Alma 27:28. Ipinaliwanag ni Alma ang kalagayan ng kaluluwa sa pagitan ng kamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli,
Alma 40:11. Yaong mga namatay sa akin ay hindi matitikman ang kamatayan,
D at T 42:46. Yaong mga hindi itinakda sa kamatayan ay mapagagaling,
D at T 42:48. Akin kayong susubukin sa lahat ng bagay maging hanggang kamatayan,
D at T 98:14. Sa alabok ka mauuwi,
Moi. 4:25. Si Adan ay nahulog at dahil sa kanyang pagkahulog ay sumapit ang kamatayan,
Moi. 6:48.