Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kaligtasan
Ang maligtas mula sa katawan at espirituwal na kamatayan. Maliligtas ang lahat ng tao mula sa kamatayang pisikal sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo. Ang bawat tao ay maaari ring maligtas mula sa kamatayang espirituwal sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo. Mapatutunayan ang pananampalatayang ito sa buhay na sumusunod sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo at paglilingkod kay Cristo.
Ang Panginoon ay aking liwanag at aking kaligtasan, Awit 27:1. Siya lamang ang aking bato at aking kaligtasan, Awit 62:2. Ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas, Rom. 1:16 (D at T 68:4). Gawin ninyo ang inyong sariling pagkaligtas nang may takot, Fil. 2:12. Hinirang kayo ng Diyos sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu, 2 Tes. 2:13. Ang kaligtasan ay hindi binabayaran, 2 Ne. 2:4. Wala nang kaloob na mas dadakila pa sa kaloob na kaligtasan, D at T 6:13. Jesucristo ang tanging pangalan kung saan ang kaligtasan ay sasapit, Moi. 6:52 (Gawa 4:10–12). Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang buong sangkatauhan ay maaaring maligtas, S ng P 1:3.
Kaligtasan ng mga bata: Maliban kung kayo’y maging tulad ng maliliit na bata, ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit, Mat. 18:3. Ang maliliit na bata ay may buhay na walang hanggan din, Mos. 15:25. Isang karumal-dumal na gawa ang pagbibinyag sa sanggol, at buhay kay Cristo ang maliliit na bata dahil sa Pagbabayad-sala, Moro. 8:8–24. Ang maliliit na bata ay tinubos sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak; Hindi sila maaaring tuksuhin ni Satanas, D at T 29:46–47. Paturuan ang mga bata ng ebanghelyo at pabinyagan pagsapit ng walong taong gulang, D at T 68:25–28. Ang maliliit na bata ay pinabanal sa pamamagitan ni Jesucristo, D at T 74:7. Ang mga tao ay magbabalik muli sa kanilang kamusmusan, walang kasalanan, D at T 93:38. Ang lahat ng batang namamatay bago sumapit sa gulang ng pananagutan ay ligtas sa kahariang selestiyal, D at T 137:10. Ang mga bata ay buo mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, Moi. 6:54.