Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kalayaang Mamili
Ang kakayahan at pribilehiyong ibinibigay ng Diyos sa mga tao upang mamili at kumilos para sa kanilang sarili.
Sa lahat ng punungkahoy ay malaya kang makakakain, Gen. 2:16. Ang tao ay hindi makakikilos para sa kanyang sarili maliban sa siya ay nahikayat, 2 Ne. 2:15–16. Ang mga tao ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan o pagkabihag at kamatayan, 2 Ne. 2:27. Kayo ay malaya; kayo ay pinahintulutang kumilos para sa inyong sarili, Hel. 14:30. Ikatlong bahagi ng hukbo ng langit ay nailayo niya dahil sa kanilang kalayaang pumili, D at T 29:36. Kinakailangan na ang diyablo ay tuksuhin ang mga tao, o hindi sila maaaring maging mga kinatawan, D at T 29:39. Hayaang ang bawat tao ay pumili para sa kanyang sarili, D at T 37:4. Ang bawat tao ay makakikilos alinsunod sa moral na kalayaang mamili na ibinigay ko sa kanya, D at T 101:78. Hinangad wasakin ni Satanas ang kalayaang mamili ng tao, Moi. 4:3. Ibinigay ng Panginoon sa tao ang kanyang kalayaang mamili, Moi. 7:32.