Ang kalagayan ng pagiging isang mortal at kakulangan sa kakayahan, lakas, o kasanayan. Ang kahinaan ay isang kalagayang pantao. Ang lahat ng tao ay mahina, at tanging sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos kung kaya’t nakatatanggap sila ng kapangyarihang gumawa ng mabubuting gawa (Jac. 4:6–7). Ang kahinaang ito ay bahagyang ipinakikita sa mga kahinaan ng bawat isa o karupukang taglay ng bawat tao.
Inyong palakasin ang mahihinang kamay, Is. 35:3–4. Ang espiritu ay handa, subalit mahina ang laman, Mat. 26:41 (Mar. 14:38). Dahil sa kahinaang taglay ko, ayon sa laman, pauumanhinan ko ang aking sarili,
1 Ne. 19:6. Ako ay nautusang isulat ang mga bagay na ito, sa kabila ng aking kahinaan,
2 Ne. 33:11. Huwag magalit sa inyong tagapaglingkod dahil sa kanyang kahinaan,
Eter 3:2. Kukutyain ng mga Gentil ang mga bagay na ito dahil sa aming kahinaan sa pagsulat,
Eter 12:23–25, 40. Ipakikita ko sa kanila ang kanilang kahinaan,
Eter 12:27–28. Dahil sa kinilala mo ang iyong kahinaan ikaw ay gagawing malakas,
Eter 12:37. Siya na mahina sa inyo magmula ngayon ay magiging malakas,
D at T 50:16. Nalalaman ni Jesucristo ang kahinaan ng tao,
D at T 62:1.