Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kaharian Ng Diyos O Kaharian Ng Langit
Ang kaharian ng Diyos sa mundo ay Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (D at T 65). Ang layunin ng Simbahan ay ihanda ang mga kasapi nito na mabuhay magpasawalang hanggan sa kahariang selestiyal o kaharian ng langit. Gayunman, tinatawag minsan ng mga banal na kasulatan ang Simbahan na kaharian ng langit, nangangahulugan na ang Simbahan ang kaharian ng langit sa mundo.
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kaharian ng Diyos sa mundo, subalit sa kasalukuyan ay hanggang kahariang pansimbahan pa lamang. Sa Milenyo, ang kaharian ng Diyos ay kapwa magiging pulitikal at pansimbahan.
Ang Panginoon ay Hari magpakailanman, Awit 10:16 (Awit 11:4). Ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman, Dan. 2:44 (D at T 138:44). Magsisi kayo sapagkat nalalapit na ang kaharian ng langit, Mat. 3:2 (Mat. 4:17). Dumating nawa ang kaharian mo, gawin nawa ang iyong kalooban sa lupa, Mat. 6:10. Hanapin muna ang kaharian ng Diyos, Mat. 6:33 (3 Ne. 13:33). Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian, Mat. 16:19. Magsiparito, manahin ninyo ang kahariang nakahanda para sa inyo, Mat. 25:34. Kapag ako ay kumain ng sakramento na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama, Mat. 26:26–29. Makikita ninyo ang lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, Lu. 13:28. Ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos, 1 Cor. 6:9. Laman at dugo ay hindi makamamana ng kaharian ng Diyos, 1 Cor. 15:50. Bago kayo maghangad ng mga kayamanan hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, Jac. 2:18. Walang maruming bagay ang magmamana ng kaharian ng langit, Alma 11:37. Ikaw ay makapagpahinga kasama nila sa kaharian ng aking Ama, D at T 15:6. Sa inyo ang kaharian o mga susi ng Simbahan ay ibinigay, D at T 42:69 (D at T 65:2). Nawa ang kaharian ng Diyos ay lumaganap upang ang kaharian ng langit ay dumating, D at T 65:5–6. Ang mga susi ng kahariang ito ay hindi kailanman makukuha sa iyo, D at T 90:3. Sinumang tumatanggap sa iyo gaya ng isang maliit na bata, ay tumatanggap sa aking kaharian, D at T 99:3. Sa ganito tatawagin ang aking Simbahan sa mga huling araw, maging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, D at T 115:4. Ang kalangitan ay nabuksan at aking nakita ang kahariang selestiyal ng Diyos, D at T 137:1–4.