Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ikapu
Tingnan din sa Pag-aalay; Salapi
Ang ikasampung bahagi sa taunang kita ng isang tao na ibinibigay sa Panginoon sa pamamagitan ng Simbahan. Ang mga laang-salapi ng ikapu ay ginagamit sa pagpapatayo ng mga simbahan at templo, sa pagtutustos ng gawaing pangmisyonero, at sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa mundo.
Nagbigay ng ikapu si Abraham ng lahat ng kanyang ari-arian kay Melquisedec, Gen. 14:18–20 (Heb. 7:1–2, 9; Alma 13:15). Ang lahat ng ikapu ay sa Panginoon; ito ay banal sa Panginoon, Lev. 27:30–34. Tunay ngang magbibigay ka ng lahat ng iyong tubo, Deut. 14:22, 28. Dinala nila ang ikapu ng lahat ng bagay nang sagana, 2 Cron. 31:5. Nanakawan ba ng tao ang Diyos? Sa ano namin kayo ninakawan? Sa mga ikapu at handog, Mal. 3:8–11 (3 Ne. 24:8–11). Siya na nagbibigay ng ikapu ay hindi masusunog sa kanyang pagparito, D at T 64:23 (D at T 85:3). Itatayo ang bahay ng Panginoon sa pamamagitan ng ikapu ng kanyang mga tao, D at T 97:11–12. Ipinahayag ng Panginoon ang batas ng ikapu, D at T 119. Ipamamahagi ang ikapu sa pamamagitan ng isang sanggunian, D at T 120.