|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Istaka
Isa sa samahan at pinamamahalaang yunit ng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang isang istaka ay binubuo ng maraming purok o sangay. Kadalasan, ito’y may mga inilagay na heograpiyang hangganan at tumutulad sa larawan ng toldang inilarawan sa Isaias 54:2: “Habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga istaka.” Ang bawat istaka ng Sion ay umaalalay at tumutulong sa pagtaguyod sa Simbahan sa pamamaraan na ang isang tolda o tabernakulo ay itinataguyod ng mga istaka nito. Ang istaka ang pook ng pagtitipun-tipon para sa mga labi ng nakakalat na Israelita ( D at T 82:13–14; 101:17–21).
Palakasin mo ang iyong mga istaka at palawakin ang iyong mga hangganan, Moro. 10:31 ( D at T 82:14). Magtakda sa Sion ng iba pang mga istaka maliban sa isang ito, D at T 109:59. Ang pagtitipon sa lupain ng Sion, at sa kanyang mga istaka ay maaaring maging isang pananggol, D at T 115:6 ( D at T 101:21). Ilaan ang ibang mga lugar para maging mga istaka, D at T 115:18. Nagtalaga ng mga mataas na saserdote na pangulo ng korum upang maging karapat-dapat sila na mga itatalagang pangulo ng istaka, D at T 124:133–134. Magtungo kayo sa lupain ng Sion, upang mapalakas ang kanyang mga istaka, D at T 133:9.
|