Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ayuno, Pag-Aayuno
Kusang hindi pagkain o pag-inom sa layuning mapalapit sa Panginoon at paghiling sa kanyang mga basbas. Kung nag-aayuno ang isang tao o pangkat, dapat din silang manalangin upang maunawaan ang kalooban ng Diyos at upang magkaroon ng higit na espirituwal na lakas. Ang pag-aayuno ay ginagawa sa tuwina ng mga tunay na naniniwala.
Sa Simbahan ngayon, itinalaga ang isang araw ng Sabbath sa bawat buwan sa layunin ng pag-aayuno. Sa panahong ito, hindi kumakain at umiinom ang mga kasapi sa Simbahan sa loob ng dalawampu’t apat na oras. Pagkatapos, iniaambag nila sa Simbahan ang pera na dapat sana nilang ginasta sa pagkain para sa hapunang yaon. Ang perang ito ay tinawag na handog ng pag-aayuno. Ginagamit ng Simbahan ang mga handog ng pag-aayuno upang tulungan ang mga maralita at nangangailangan.
Nag-ayuno kami at hinanap ang aming Diyos, Ezra 8:21–23, 31. Nag-ayuno ako at nanalangin sa harapan ng Diyos ng langit, Neh. 1:4. Mag-ayuno kayo para sa akin, at huwag kumain ni uminom sa loob ng tatlong araw, Est. 4:16. Ipinakumbaba ko ang aking kaluluwa nang may pag-aayuno, Awit 35:13. Hindi ba ito ang pag-aayuno na aking pinili? Is. 58:3–12. Iniharap ko ang aking mukha sa Panginoong Diyos, upang humanap sa pamamagitan ng panalangin, nang may pag-aayuno, Dan. 9:3. Magsipanumbalik kayo sa akin nang may buo ninyong puso, at nang may pag-aayuno, Joel 2:12. Naniwala ang Ninive sa Diyos, at naghayag ng pag-aayuno, Jon. 3:5. Nag-ayuno si Jesus ng apatnapung araw, Mat. 4:2 (Ex. 34:28; 1 Hari 19:8; Lu. 4:1–2). Huwag magpakita sa mga tao na nag-aayuno, Mat. 6:18 (3 Ne. 13:16). Hindi napalalayas ang ganitong uri kundi sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno, Mat. 17:21. Magpatuloy sa pag-aayuno at pananalangin, Omni 1:26 (4 Ne. 1:12). Sila ay nagsimulang mag-ayuno, at manalangin sa Panginoon nilang Diyos, Mos. 27:22. Ako ay nag-ayuno at nanalangin ng maraming araw upang aking malaman ang mga bagay na ito, Alma 5:46. Nagkaisa ang mga anak ng Diyos sa pag-aayuno at pananalangin nang taimtim, Alma 6:6. Itinuon ng mga anak ni Mosias ang kanilang sarili sa maraming panalangin at pag-aayuno, Alma 17:3, 9. Isang panahon ng pag-aayuno at panalangin ang sumunod sa pagkamatay ng maraming Nephita, Alma 28:5–6. Labis silang nag-ayuno at labis na nanalangin, Alma 45:1 (Hel. 3:35). Ihanda ang inyong mga pagkain nang may katapatan ng puso upang ang inyong pag-aayuno ay maging ganap, D at T 59:13–14. Kayo ay magpatuloy sa pananalangin at pag-aayuno, D at T 88:76.