Ang diwa ng pagkamahabagin, pagkamadamayin, at pagpapatawad. Ang awa ay isa sa mga katangian ng Diyos. Iniaalay ni Jesucristo ang awa sa atin sa pamamagitan ng kanyang pambayad-salang hain.
Ang Panginoon ay maawain at mapagkaloob, Ex. 34:6 (Deut. 4:31). Ang kanyang awa ay magpakailanman, 1 Cron. 16:34. Ang kabutihan at awa ay susunod sa akin, Awit 23:6. Siya na naaawa sa dukha ay mapalad, Kaw. 14:21. Ako ay nagnanais ng awa at hindi hain, Os. 6:6. Pinagpala ang mga mahabagin: sapagkat sila ay kahahabagan, Mat. 5:7 (
3 Ne. 12:7). Sa aba sa mga mapagbalatkayo na nagbabayad ng ikapu at pinababayaan ang lalong mahalagang bagay ng batas, katarungan, awa, at pananampalataya, Mat. 23:23. Maging maawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain, Lu. 6:36. Hindi dahil sa mga gawa sa katwiran na ginagawa nating sarili, kundi alinsunod sa awa ay kanya tayong iniligtas, Tit. 3:5. Ang magiliw na awa ng Panginoon ay sumasalahat,
1 Ne. 1:20. Ang awa ay hindi makaaangkin sa hindi nagsisisi,
Mos. 2:38–39. Ang Diyos ay maawain sa lahat ng naniniwala sa kanyang pangalan,
Alma 32:22. Hindi mabibigyang-kasiyahan ng awa ang hinihingi ng katarungan,
Alma 34:16. Iyo bang ipinalalagay na ang awa ay makaaagaw sa katarungan?
Alma 42:25 (
Alma 42:13–25). Ang mga bata ay buhay kay Cristo dahil sa kanyang awa,
Moro. 8:19–20 (
D at T 29:46). Ang bisig ng awa ni Jesucristo ay nagbayad-sala para sa ating mga kasalanan,
D at T 29:1. Sa pamamagitan ng dugong aking ibinuhos, ako ay nagmakaawa sa Ama para sa mga yaong naniniwala sa aking pangalan,
D at T 38:4. Sila na tumutupad sa tipan ay makatatamo ng awa,
D at T 54:6. Ako, ang Panginoon ay nagpapatawad ng mga kasalanan, at naaawa sa mga yaong nagsisisi ng kanilang mga kasalanan nang may mga mapagpakumbabang puso,
D at T 61:2. Ako, ang Panginoon, ay nagpapakita ng awa sa lahat ng maamo,
D at T 97:2. At sinumang tumatanggap sa inyo na wari’y isang bata, ay makatatanggap ng aking kaharian, sapagkat sila’y kaaawaan,
D at T 99:3. Ang awa ay mauuna sa iyo,
Moi. 7:31.