Sa salitang Griyego, ang
apostol ay nangangahulugang “isang isinugo”. Ito ang itinawag ni Jesus sa Labindalawang pinili niya at inordenan na maging kanyang mga pinakamalapit na disipulo at katulong sa panahon ng kanyang ministeryo sa mundo (Lu. 6:13; Juan 15:16). Kanyang isinugo sila upang kumatawan sa kanya at maglingkod sa kanya matapos ang pag-akyat niya sa langit. Kapwa noong sinauna at sa Korum ng Labindalawang Apostol ng nanumbalik na Simbahan ngayon, ang isang Apostol ay natatanging saksi ni Jesucristo sa buong daigdig na magpapatotoo sa kanyang kabanalan at sa kanyang pagkabuhay na mag-uli mula sa patay (Gawa 1:22;
D at T 107:23).
Ang simbahan ni Cristo ay itinatag sa saligan ng mga apostol at propeta, Ef. 2:20; 4:11. Nakita nina Lehi at Nephi ang labindalawang apostol na sumusunod kay Jesus,
1 Ne. 1:10;
11:34. Ang mga apostol ang hahatol sa sambahayan ni Israel,
Morm. 3:18. Sila na mga hindi nakikinig sa mga salita ng mga propeta at apostol ay mahihiwalay,
D at T 1:14 (
3 Ne. 12:1). Ipinahayag ang tungkulin at misyon ng Labindalawa,
D at T 18:26–36. Si Joseph Smith ay inordenang apostol,
D at T 20:2;
21:1. Ang mga apostol ay mga natatanging saksi sa pangalan ni Cristo at may hawak ng mga susi ng ministeryo,
D at T 27:12 (
D at T 112:30–32). Labindalawang Apostol ang bumubuo sa isang korum pantay sa kapangyarihan sa Unang Panguluhan,
D at T 107:23–24. Ang Labindalawa ang Naglalakbay na Namumunong Mataas na Kapulungan,
D at T 107:33. Hawak ng mga apostol ang mga susi ng gawaing pangmisyonero,
D at T 107:35. Inilarawan ang ilan sa mga tungkulin ng mga Apostol,
D at T 107:58. Sinasabi ko sa lahat ng Labindalawa: sumunod sa akin, at pakainin ang aking mga tupa,
D at T 112:14–15. Naniniwala kami sa mga apostol,
S ng P 1:6.
Sa kanyang mga disipulo, pumili si Jesus ng labindalawang apostol, Lu. 6:13–16. Napili si Matias na maging apostol, Gawa 1:21–26. Inutusan sina Oliver Cowdery at David Whitmer na hanapin ang Labindalawa,
D at T 18:37–39.