|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Anti-Cristo
Sinuman o anumang bagay na nanghuhuwad sa totoong ebanghelyo ng plano ng kaligtasan at hayagan o lihim na sumasalungat kay Cristo. Inilarawan ni Juan na Tagapaghayag ang anti-Cristo na isang manlilinlang (1 Juan 2:18–22; 4:3–6; 2 Juan 1:7). Si Lucifer ang pangunahing anti-Cristo, subalit marami siyang mga katulong, kapwa mga espiritung nilikha at tao.
Ang anak na lalaki ng kapahamakan ay sumasalungat at dinadakila ang kanyang sarili nang higit sa lahat na tinatawag na Diyos, 2 Tes. 2:1–12. Kanyang nililinlang sila na mga naninirahan sa mundo sa pamamagitan ng mga himala, Apoc. 13:13–17. Itinatwa ni Serem ang Cristo at nalinlang ang marami, Jac. 7:1–23. Nagturo si Nehor ng mga maling doktrina, nagtatag ng simbahan, at pinasimulan ang huwad na pagkasaserdote, Alma 1:2–16. Nilait ni Korihor si Cristo, ang pagbabayad-sala, at ang diwa ng propesiya, Alma 30:6–60.
|