Mga tagasunod ni Satanas na magdurusang kasama siya sa kawalang-hanggan. Kabilang sa mga anak na lalaki ng kapahamakan ang (1) yaong mga sumunod kay Satanas at pinalayas sa kalangitan dahil sa pakikipaglaban noong bago tayo naging mortal, at (2) yaong mga pinahintulutang isilang sa mundong ito na may katawan subalit pinaglingkuran si Satanas at lubusang tumalikod sa Diyos. Yaong mga nasa pangalawang pangkat ay mabubuhay na mag-uli mula sa kamatayan subalit hindi matutubos buhat sa ikalawang (espirituwal) kamatayan at hindi maaaring makapanahanan sa isang kaharian ng kaluwalhatian (
D at T 88:32, 35).
Walang napahamak isa man sa kanila kundi ang anak na lalaki ng kapahamakan, Juan 17:12. Hindi maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi, Heb. 6:4–6 (Heb. 10:26–29). Ang awa ay hindi makaaangkin sa taong yaon at ang pangwakas niyang kahatulan ay magtiis ng isang walang katapusang pagdurusa,
Mos. 2:36–39. Para bang walang ginawang pagtubos sa kanya,
Mos. 16:5. Sila na nagtatatwa sa mga himala ni Cristo upang makinabang ay magiging katulad ng anak na lalaki ng kapahamakan,
3 Ne. 29:7. Wala silang kapatawaran sa daigdig na ito o sa daigdig na darating,
D at T 76:30–34 (
D at T 84:41;
132:27). Sila lamang ang hindi matutubos sa pangalawang kamatayan,
D at T 76:34–48. Itinakwil ng mga anak na lalaki ng kapahamakan ang Banal na Espiritu matapos matanggap ito,
D at T 76:35. Itinakwil ng mga anak na lalaki ng kapahamakan ang Anak matapos siyang ipahayag ng Ama,
D at T 76:43. Tatawagin si Cain na Kapahamakan,
Moi. 5:22–26.