Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ama Sa Langit
Tingnan din sa Diyos, Panguluhang Diyos
Ang Ama ng mga espiritu ng buong sangkatauhan (Awit 82:6; Mat. 5:48; Juan 10:34; Rom. 8:16–17; Gal. 4:7; 1 Juan 3:2). Si Jesus ang kanyang Bugtong na Anak sa laman. Inuutusan ang tao na sumunod at magbigay-galang sa Ama at manalangin sa kanya sa pangalan ni Jesus.
Kung patatawarin mo ang mga tao, patatawarin ka rin ng iyong Ama sa langit, Mat. 6:14 (Mat. 18:35; 3 Ne. 13:14). Nalalaman ng iyong Ama sa langit na kailangan mo ang lahat ng bagay na ito, Mat. 6:26–33 (3 Ne. 13:26–33). Gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa kanila na humihiling? Lu. 11:11–13. Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, Ef. 1:3. Kayo ay may walang hanggang pagkakautang sa inyong Ama sa langit, Mos. 2:34. Niluwalhati ni Cristo ang pangalan ng Ama, Eter 12:8. Dapat magpatotoo ang mga banal ng kanilang mga pag-uusig bago lumabas ang Ama mula sa kanyang pinagkukublihang lugar, D at T 123:1–3, 6. Naranasan namin ang dakila at maluwalhating mga pagpapala mula sa aming Ama sa Langit, JS—K 1:73.