Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Aklat Ng Alaala
Tingnan din sa Aklat ng Buhay; Talaangkanan
Isang aklat na sinimulan ni Adan kung saan natatala ang mga gawain ng kanyang mga inapo; gayon din, anumang kahalintulad na mga talaan na iningatan ng mga propeta at matatapat na kasapi magmula ng panahong iyon. Nag-ingat si Adan at ang kanyang mga anak ng isang aklat ng alaala, kung saan sila sumulat sa pamamagitan ng diwa ng inspirasyon, at isang aklat ng mga salinlahi, na naglalaman ng talaangkanan (Moi. 6:5, 8). Ang gayong mga talaan ay maaaring magkaroon ng bahagi sa pag-alam ng ating magiging huling kahatulan.
Isang aklat ng alaala ang isinulat, Mal. 3:16–18 (3 Ne. 24:13–26). Lahat sila na hindi natagpuang nakasulat sa aklat ng alaala ay hindi makasusumpong ng mana sa araw na yaon, D at T 85:9. Ang mga patay ay hinatulan sa pamamagitan ng mga aklat na naglalaman ng talaan ng kanilang mga gawa, D at T 128:7. Mag-alay tayo ng isang aklat na naglalaman ng mga talaan ng ating mga patay, D at T 128:24. Isang aklat ng alaala ang iningatan, Moi. 6:5–8. Tayo ay may aklat ng alaala, Moi. 6:46. Nagsikap si Abraham na sumulat ng talaan para sa kanyang angkan, Abr. 1:31.