ANG AKLAT NI ETER
Ang talaan ng mga Jaredita, na hinango mula sa dalawampu’t apat na laminang natagpuan ng mga tao ni Limhi noong mga araw ni haring Mosias.
KABANATA 1
Pinaikli ni Moroni ang mga sulat ni Eter—Ang talaangkanan ni Eter, inilathala—Ang wika ng mga Jaredita ay hindi nilito sa Tore ng Babel—Ang Panginoon ay nangakong aakayin sila patungo sa isang piling lupain at gagawin silang dakilang bansa.
1
AT ngayon ako, si aMoroni, ay magpapatuloy na magbigay ng ulat ng mga yaong sinaunang nanirahan na nilipol ng bkamay ng Panginoon sa ibabaw nitong hilagang bayan.
2
At hinango ko ang aking ulat mula sa adalawampu’t apat na laminang natagpuan ng mga tao ni Limhi, na tinatawag na Aklat ni Eter.
3
At tulad ng inaakala ko na ang unang bahagi ng talaang ito, na nangungusap hinggil sa paglikha ng daigdig, at gayon din kay Adan, at isang ulat mula sa panahong yaon hanggang sa malaking atore, at anumang bagay na naganap sa mga anak ng tao hanggang sa panahong yaon, ay nasa mga Judio—
4
Kaya nga hindi ko isusulat ang mga bagay na yaon na naganap mula noong mga araw ni aAdan hanggang sa panahong yaon; sapagkat ang mga ito ay nasa mga lamina; at kung sinuman ang makakikita sa mga yaon, siya rin ang magkakaroon ng kapangyarihang makuha niya ang buong ulat.
5
Subalit masdan, hindi ko ibibigay ang buong ulat, kundi isang bahagi ng ulat ang ibibigay ko, mula sa tore pababa hanggang sa sila ay malipol.
6
At sa ganitong paraan ko ibibigay ang ulat. Siya na sumulat ng talaang ito ay si aEter, at inapo siya ni Coriantor.
7
Si Coriantor ay anak ni Moron.
8
At si Moron ay anak ni Etem.
9
At si Etem ay anak ni Ahas.
10
At si Ahas ay anak ni Set.
11
At si Set ay anak ni Siblon.
12
At si Siblon ay anak ni Com.
13
At si Com ay anak ni Coriantum.
14
At si Coriantum ay anak ni Amnigadas.
15
At si Amnigadas ay anak ni Aaron.
16
At si Aaron ay inapo ni Het, na anak ni Hertum.
17
At si Hertum ay anak ni Lib.
18
At si Lib ay anak ni Kis.
19
At si Kis ay anak ni Corom.
20
At si Corom ay anak ni Levi.
21
At si Levi ay anak ni Kim.
22
At si Kim ay anak ni Morianton.
23
At si Morianton ay inapo ni Riplakis.
24
At si Riplakis ay anak ni Shez.
25
At si Shez ay anak ni Het.
26
At si Het ay anak ni Com.
27
At si Com ay anak ni Coriantum.
28
At si Coriantum ay anak ni Emer.
29
At si Emer ay anak ni Omer.
30
At si Omer ay anak ni Shul.
31
At si Shul ay anak ni Kib.
32
At si Kib ay anak ni Orihas, na anak ni Jared;
33
Na kung sinong aJared ay lumisan kasama ang kanyang kapatid at kanilang mga mag-anak, kasama ang ilan pang iba at kanilang mag-anak, mula sa malaking tore, sa panahong bnilito ng Panginoon ang wika ng mga tao, at nanumpa sa kanyang kapootan na sila ay ikakalat sa cbalat ng lupa; at alinsunod sa salita ng Panginoon ang mga tao ay nakalat.
34
At ang akapatid ni Jared na malaki at malakas na lalaki, at isang lalaking labis na pinagpala ng Panginoon, si Jared, na kanyang kapatid, ay nagsabi sa kanya: Magsumamo ka sa Panginoon, na huwag niya tayong lituhin nang hindi natin maunawaan ang ating mga salita.
35
At ito ay nangyari na, na ang kapatid ni Jared ay nagsumamo sa Panginoon, at ang Panginoon ay nahabag kay Jared; kaya nga hindi niya nilito ang wika ni Jared; at si Jared at ang kanyang kapatid ay hindi nalito.
36
Pagkatapos sinabi ni Jared sa kanyang kapatid: Muli kang magsumamo sa Panginoon, at kung maaari ay alisin niya ang kanyang galit mula sa kanila na mga kaibigan natin, upang huwag niyang lituhin ang kanilang wika.
37
At ito ay nangyari na, na ang kapatid ni Jared ay nagsumamo sa Panginoon, at ang Panginoon ay nahabag sa kanilang mga kaibigan at gayon din sa kanilang mga mag-anak, kung kaya’t hindi sila nalito.
38
At ito ay nangyari na, na si Jared ay muling nangusap sa kanyang kapatid, sinasabing: Humayo at magtanong sa Panginoon kung paaalisin niya tayo sa lupain, at kung paaalisin niya tayo sa lupain, magsumamo ka sa kanya kung saan tayo patutungo. At sino ang nakaaalam na hindi tayo dadalhin ng Panginoon sa isang apiling lupain sa buong mundo? At kung magkagayon, tayo ay maging tapat sa Panginoon, upang matanggap natin ito bilang mana natin.
39
At ito ay nangyari na, na ang kapatid ni Jared ay nagsumamo sa Panginoon alinsunod sa yaong binigkas ng bibig ni Jared.
40
At ito ay nangyari na, na dininig ng Panginoon ang kapatid ni Jared, at nahabag sa kanya, at sinabi sa kanya:
41
Humayo at sama-samang tipunin ang inyong mga kawan, kapwa lalaki’t babae, ng bawat uri; at ang mga binhi rin ng lupa ng bawat uri; at ang inyong mga amag-anak; at si Jared din na iyong kapatid at ang kanyang mag-anak; at gayon din ang inyong mga bkaibigan at ang kanilang mga mag-anak, at ang mga kaibigan ni Jared at ang kanilang mga mag-anak.
42
At kapag nagawa mo na ito ay ahahayo ka sa unahan nila pababa sa lambak na pahilaga. At doon kita katatagpuin, at ako ay hahayo sa bharapan ninyo sa isang cpiling lupain sa lahat ng lupain sa mundo.
43
At doon pagpapalain kita at ang mga binhi mo, at magbabangon para sa aking sarili sa iyong mga binhi, at sa mga binhi ng iyong kapatid, at sila na sasama sa iyo, ng isang dakilang bansa. At hindi magkakaroon ng higit pa sa kadakilaan ng bansang aalagaan ko sa iyong mga binhi, sa balat ng lupa. At gayon ang gagawin ko sa iyo dahil sa mahabang panahong ito ay nagsumamo ka sa akin.
|