Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN
BAHAGI 6
  34 Samakatwid, huwag matakot, munting kawan; gumawa ng mabuti; hayaang magsama ang mundo at impiyerno laban sa inyo, sapagkat kung kayo ay itinayo sa aking abato, hindi sila mananaig.

Mga Talababa
34a
Awit 71:3.
Mat. 7:24–25.
1 Cor. 10:1–4.
Hel. 5:12.
  12 At ngayon, mga anak ko, tandaan, tandaan na sa abato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos, ninyo kailangang itayo ang inyong bsaligan; nang sa gayon kapag ipinadala ng diyablo ang kanyang malalakas na hangin, oo, ang kanyang mga palaso sa buhawi, oo, kapag ang lahat ng kanyang ulang yelo at kanyang malakas na cbagyo ay humampas sa inyo, hindi ito magkakaroon ng kapangyarihan sa inyo na hilahin kayong pababa sa look ng kalungkutan at walang katapusang kapighatian, dahil sa bato kung saan kayo nakasandig, na tunay na saligan, isang saligan na kung sasandigan ng mga tao ay hindi sila maaaring bumagsak.
D at T 10:69.
  69 At ngayon, masdan, sinuman ang nasa sa aking simbahan, at mananatili sa aking simbahan hanggang katapusan, siya ay aking itatayo sa aking abato, at ang bpintuan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa kanila.
D at T 18:4, 17.
  4 Sapagkat sa mga ito nakasulat ang lahat ng bagay hinggil sa pagtatatag ng aking simbahan, ng aking aebanghelyo, at ng aking bbato.
D at T 33:13.
  13 At sa ibabaw ng abatong ito itatayo ko ang aking simbahan; oo, sa ibabaw ng batong ito kayo ay itinatag, at kung kayo ay magpapatuloy, ang mga bpintuan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa inyo.
Moi. 7:53.
  53 At sinabi ng Panginoon: Pinagpala siya na kung kaninong binhi ang Mesiyas ay magmumula; sapagkat kanyang sinabi—Ako ang aMesiyas, ang bHari ng Sion, ang cBato ng Langit, na kasinlawak ng kawalang-hanggan; sinuman ang papasok sa pasukan at daakyat sa pamamagitan ko ay hindi kailanman babagsak; kaya nga, pinagpala sila na aking mga binanggit, sapagkat sila ay magsisiawit ng eawitin ng walang hanggang kagalakan.