Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN
BAHAGI 138
  16 Sila ay sama-samang naghintay sa pagparito ng Anak ng Diyos sa daigdig ng mga aespiritu, upang ipahayag ang kanilang katubusan mula sa mga bgapos ng kamatayan.

Mga Talababa
16a
Lu. 23:43.
Alma 40:11–12.
  11 Ngayon, hinggil sa kalagayan ng kaluluwa sa pagitan ng akamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli—Masdan, ipinaalam sa akin ng isang anghel, na ang espiritu ng lahat ng tao matapos na sila ay lumisan sa katawang mortal na ito, oo, ang espiritu ng lahat ng tao, maging sila man ay mabuti o masama, ay dadalhin bpabalik sa Diyos na sa kanila ay nagbigay-buhay.
b
Morm. 9:13.
  13 At dahil sa pagtubos sa tao, na dumating sa pamamagitan ni Jesucristo, sila ay naibalik sa harapan ng Panginoon; oo, kung saan ang lahat ng tao ay tinubos, dahil ang kamatayan ni Cristo ay nagsasakatuparan ng apagkabuhay na mag-uli, na nagsasakatuparan ng katubusan mula sa walang katapusang bpagtulog, kung saang pagkakatulog ang lahat ng tao ay gigisingin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos kung kailan ang pakakak ay tutunog; at sila ay babangon, kapwa maliit at malaki, at lahat ay tatayo sa harapan ng kanyang hukuman, na mga tinubos at kinalagan mula sa walang hanggang cgapos ng kamatayan, kung aling kamatayan ay isang temporal na kamatayan.