ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN
BAHAGI 135
3
Si Joseph Smith, ang aPropeta at bTagakita ng Panginoon, ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay rito. Sa maikling panahon ng dalawampung taon, kanyang inilabas ang Aklat ni Mormon, na kanyang isinalin sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos, at siya ring naging daan ng pagkakalathala nito sa dalawang lupalop; ipinadala ang ng walang hanggang ebanghelyo, na nilalaman nito, sa apat na sulok ng mundo; inilabas ang mga paghahayag at kautusang bumubuo sa aklat na ito ng Doktrina at mga Tipan, at marami pang ibang magagaling na kasulatan at mga tagubilin para sa kapakinabangan ng mga anak ng tao; tinipon ang maraming libu-libong Banal sa mga Huling Araw, nagtayo ng isang dmalaking lunsod, at nag-iwan ng katanyagan at pangalan na hindi maaaring mapatay. Siya ay nabuhay na dakila, at siya ay namatay na dakila sa paningin ng Diyos at ng kanyang mga tao; at gaya ng karamihan sa hinirang ng Panginoon noong mga sinaunang panahon, ay tinatakan ang kanyang misyon at kanyang mga gawain ng kanyang sariling edugo; at gayon din ang kanyang kapatid na si Hyrum. Sa buhay sila ay hindi nagkalayo, at sa kamatayan sila ay hindi pinaghiwalay!
Mga Talababa
|